Ibibyaheng Gmelina at Biaga lumber, nasabat sa Calintaan

Arestado ang isang 54-anyos na lalaki na magbibyahe sana ng lumber ng puno ng Biaga at Gmelina sa bayan ng Calintaan, Occidental Mindoro.

INSIDE STORIES:

Ayon sa April 4 report ng Calintaan Municipal Police Station, nakatanggap sila ng report mula sa Barangay Intelligence Network (BIN) na mayroong ibibyaheng mga lumber, dahilan upang magsagawa sila ng monitoring sa coastal/shoreline areas ng munisipalidad.

Sa supervision ni OIC PCPT Teofilo C. Festin III at sa pangunguna ni PSSg Benjie E Andrade, bandang 12:05am, April 4, nang makita nila ang mga Gmelina at Biaga lumber na nasa posesyon ng suspect na taga Brgy. Concepcion, walang trabaho, may-asawa at residente ng Brgy. Concepcion.

Itatawid sana ang mga lumber gamit ang bangka mula Brgy. Concepcion patungo ng So. Niyayos 1 sa Brgy. Poblacion ng nasabing bayan.

Nakumpiska mula sa hindi ipinakilalang suspek ang mga sumusunod:

  • Eight (8) pieces 2 x 3 x 14 ( Biaga Specie)
  • Four (4) pieces 2 x 3 x 12 (Gemilina Specie)
  • Four (4) pieces 2 x 2 x 12 (Gemilina Specie)

Sa kabuuan ay nasa 104 board feet ang mga ito at nagkakahalaga ng P4,160.00.

Napag-alaman din na walang permiso ang mga ito mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).

GMELINA CALINTAAN
Ang 54-anyos na nahulihan ng gmelina at biaga lumber ng Calintaan PCRB. April 4, 2021.

Dinala na sa kustodiya ng Calintaan MPS ang suspect at mga nakuhang ebidensya para i-proseso. Kakaharapin niya ang kasong paglabag sa P.D. 705.

Source: Calintaan Pcrb

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.