IATF Res. No. 101: Pwede nang magbiyahe ng walang test. Pero..

Marami ang natuwa sa pinakahuling resolusyon ng National IATF, ang Resolution No. 101 Series of 2021 nitong February 26 kung saan sinasabi na HINDI NA MANDATORY ang testing kapag magbibiyahe.

Pero may kasunod ito na dapat maintindihan ng ating mga kababayan.

Hindi na mandatory ang testing, MALIBAN LANG kung mag-require pa rin nito ang mga probinsya, munisipalidad, at syudad na inyong pupuntahan.

At kung mag-require sila ng test, RT-PCR Test lang ang pwede.

INSIDE STORIES:

Ayon sa Letter B (1) ng nasabing resolution:

B. On Testing and Quarantine:

1. Testing shall not be mandatory for traveler EXCEPT if the LGU of destination (province with respect to their municipalities and component cities, and highly urbanized cities (HUCs) and independent component cities (OCCs) will require testing as a requirement prior to travel, and such shall be limited to RT-PCR

So kung magbibyahe, kailangan pa rin natin alamin kung ano ang requirements ng mga lugar na ating pupuntahan o uuwian.

MARICEL'S DINING PLACE
Visit Maricel’s Dining Place for great food, booze, and music. Occidental Mindoro!

Sa ating basa sa National IATF Res. No. 101 S2021, may kalayaan o pinapayagan ang mga LGUs na mag-set ng mga requirements sa sinumang pupunta o uuwi sa kanilang lugar. Malamang na ang malaking pagba-basehan ng mga LGUs, kung mag-set pa rin ng requirements, ay ang health risk status ng lugar na inyong panggagalingan.

Kung mayroon pa ring i-establish na proseso, nariyan pa rin ang mga tanungan kung saan tayo galing at kung saan tayo pupunta. At kung mataas ang bilang ng mga Covid-19 positive sa lugar na ating panggagalingan,  baka dyan lumabas ang RT-PCR Test requirement.

B. On Testing and Quarantine:

2. No traveler shall be required to undergo quarantine unless they exhibit symptoms upon arrival at the LGU of destination

Sa C. On Documentary Requirements (1), hindi na rin kailangan ang Travel Authority at Health Certificate.

Kung hindi na kailangan ang mga ito, tanging ang Pier/Port, boundary, o entry points na lang ating magiging ‘first and last line of defense’ kontra Covid-19.

Sa E. On Ports/Terminals (1), sinasabi sa resolution na ‘All terminals must have assigned sufficient quarantine/isolation facilities. Kailangan din na may ‘referral system’ para mai-refer ang byaherong symptomatic sa LGU, ayon sa (2). Sa dalawang ito, obligado pa rin ang byahero na dumaan sa proseso bago sila tuluyang payagan na makapasok tulad ng kasalukuyang ipinapatupad sa Abra de Ilog Port.

Sa ilalim pa rin ng E. On Ports/Terminals (4), sinasabi na ‘LGUs may provide transportation for all travelers who are transiting from one LGU to another in cases of arrivals at air and seaports to their end-point destinations.

Ang nakalagay ay ‘MAY provide transportation’. HINDI MANDATORY sa LGU na maghatid-sundo ng mga uuwi o nga mga biyahero.

Malaking usapin pa rin ito Maari tayong magpasalamat dahil kahit papaano ay mas magkakaroon na ng ‘movement’ ang lahat, biyahero man on goods. Pero isang usapin pa rin ito dahil kailangan naman natin hintayin ang mga magiging desisyon ng mga LGUs kung magre-require pa sila ng testing o travel documents.

Nariyan na ang IATF Resolution 101 S2021, pero isang usapin pa kung paano ang magiging implementasyon nito pagdating sa ating mga LGU o sa ating Pamahalaang Panlalawigan.

Marami din ang nagtatanonng kung saan ang terminal ng mga bus sa Maynila. Base dito sa Res. 101, Integrated Terminal Exchange na lang ang ginagamit na central hub. At sa ating pagkaka-alam, yun ay ang Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX). Hind na pwede sa mga private terminal ng mga public transport bus.

Sino o alin kayang bayan sa Occidental Mindoro ang magre-require pa rin ng RT-PCR Test?

Narito ang bahagi ng IATF Res. 101 S2021. Simulan na natin sa NOW, THEREFORE, BE IT RESOLVED. Kung may oras, basahin po natin:

NOW, THEREFORE, BE IT RESOLVED, as it is hereby resolve, that the IATF approves the uniform travel protocols for land, air, and sea of the Department of the Interior and Local Government, crafted in close coordination with the Union of Local Authorities of the Philippines, League of Provinces of the Philippines, League of Municipalities of the Philippines, and the League of Cities of the Philippines, with the following salient provisions:

A. On Minimum Health Standards:

  1. Minimum public health standards, which include physical distancing, hand hygiene, cough etiquette, and wearing of face masks and face shields among others, shall be strictly implemented across all settings; and
  2. Clinical and exposure assessment shall be strictly implemented in all ports of entry and exit o ensure that only asymptomatic, non-close contact individuals are allowed to travel or enter the local government unit of destination. Health assessment of passengers, supervised by medical doctor, shall be mandatory upon entry in the port/terminal and exit at point of destination.

B. On Testing and Quarantine:

  1. Testing shall not be mandatory for traveler except if the LGY of destination (province with respect to their municipalities and component cities, ang highly urbanized cities (HUCs) and independent component cities (ICCs) will require testing as a requirement prior to travel, and such shall be limited to RT=PCR
  2. No traveler shall be required to undergo quarantine unless they exhibit symptoms upon arrival at the LGU of destination

C. On Documentary Requirements

  1. Travel Authority issued by Joint Task Force COVID Shield and health certificates shall no longer be required
  2. Authorized Persons Outside of Residence (APORs) from national government agencies and their attached agencies must provide their identification card, travel order, and travel itinerary, and must pass symptom-screening at ports of entry and exit pursuant to IATF Resolution No. 98-A issued on February 4, 2021.

D. On Information and Communication Technology Solutions:

  1. The Safe, Swift, and Smart Passage (S-PaSS) Travel Management System of the Department of Science and Technology (DOST) shall be institutionalized as the one-stop-shop application/communication for travelers. For this purpose, a focal person from the province with respect to their municipalities and component cities, and from HUCs and ICCs shall be assigned, and
  2. The StaySage.ph System shall be utilized as the primary contact tracing system. Traze App for airports, and such other existing contact tracing applications must be integrated with the StaySafe.ph System following IATF Resolution No. 85 issued on November 25, 2020.

E. On Ports/Terminals:

  1. All terminals must have assigned sufficient quarantine/isolation facilities
  2. All ports and terminals shall put in place a referral system wherein travelers who become symptomatic shall be transferred to quarantine/isolation facilities to enable the Bureau of Quarantine for airports, or local health officials in case of LGUs, to take over
  3. For the National Capital Region, all buses bound for provinces shall be required to use the Integrated Terminal Exchange as the central hub for transportation. No bus company or public transport shall be allowed use of their private terminals; and
  4. At their option, LGUs may provide transportation for all travelers who are transiting from one LGU to another in case of arrivals at air and seaports to their end-point destinations.

IATF RES 101 S 2021
IATF RES 101 S 2021
IATF RES 101 S 2021
IATF RES 101 S 2021
IATF RES 101 S 2021

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.