Pulis, ginamit ang one day Hazard Pay para bumili ng adult diaper ni Lola

Dahil itinuturing na isa ring frontliner ang ating kapulisan, entitled sila na tumanggap ng hazard pay. Pero kung gagamitin ito sa pagtulong sa kapwa, mas higit ang halaga nito kesa sa ibang matatanggap na benepisyo.

FROM THE INSIDE:

Inilaan ni PMAJ LIBRADO C MANARANG, JR. ang isang araw ng kanyang Hazard Pay para bumili ng adult diaper para sa kay Lola Tina Flores.

HAZARD PAY PMAJ LIBRADO MANARANG JR PUNTO MINDORO
Ibinigay ni PMAJ Librado Manarang, Jr. kay Lola Tina ang biniling adult diaper gamit ang isang araw ng kanyang Hazard Pay. May 11, 2020.

Si Lola Tina ay 56 taong gulang at naninirahan sa Brgy. Wawa, Abra de Ilog, Occidental Mindoro. Isa rin siyang Person With Disability (PWD).

Si PMAJ Manarang ay nasisilbing Officer-In-Charge (OIC) Chief of Police ng Abra de Ilog Municipal Police Station (MPS).

Saludo po tayo dyan! Pinapakita lamang nito na ang kapulisan ay tunay na kaagapay ng mamamayan.

Ang larawan ay kuha ni Robert Alan Aurthur.

Abra de Ilog MPS led by PMAJ LIBRADO C MANARANG JR conducted Press Release relative to the directive of C, PNP,s " No Take Policy" on all forms of illegal gambling activities and all forms of illegal sources at Abra de Ilog MPS on February 17, 2020.

Posted by Abra De Ilog Mps on Sunday, February 16, 2020

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.