Gov. Ed Gadiano, tinitimbang pa ang Red Cross Covid-19 testing

Sa panayam ng Radyo Pilipinas – Lucena kay Occidental Mindoro Gov. Gadiano, nagpahiwatig siya na hindi pa siya tuluyang nakikipagkasundo sa Red Cross para sa targeted mass testing ng mga suspected Covid-19 patients ng lalawigan.

Isa sa tinitingnan ni Gov. Ed Gadiano ay ang P5 milyon down payment na hinihingi ng Red Cross. Ganun ang kondisyon nila na sila ang gagawa ng lahat ng procedures.

ALCAIDE'S GRILLED BURGER AND MORE
Hungy? Visit Alcaide’s Grilled Burger and More at Mamburao, Occidental Mindoro

FROM THE INSIDE:

Kasama naman umano talaga sa kinokonsidera ni Gov. Gadiano ang Red Cross dahil sa mabilis nitong paglalabas ng test result kumpara sa Research Institute For Tropical Medicine (RITM) na inaabot ng halos 12 days tulad ng nangyari sa pang-limang kaso ng Covid-19 sa lalawigan.

Kasi yung Patient #5 namin, na-admit sa San Jose District Hospital ng April 15. Na-swab namin ng April 16. Nadala ng April 17. Pero lumabas po yung result ay April 29. So ibig sabihin, mga 12 days bago lumabas ang result, di ba?

Dagdag pa ni Gov. Gadiano, naging priority nila ang mga naging contact ng pang-apat na Covid-19 patient na ayon sa isinagawang contact tracing ay aabot sa halos isandaan (100).

Dinala na sa Red Cross ang specimen ng mga ito subalit tinanggihan ng huli dahil na rin sa mga nabanggit na kondisyon.

Kasi dun sa Patient #4 namin, lahat ng mga close contact doon, lahat ng immediate family, plus yung medical staff. Lahat yan more or less, mga, yung priority namin ay more or less 100 yan.

At nung dalhin namin sa Philippine National Red Cross, para dun sa, kasi mabilis-bilis yung pagpapalabas nila dun ng result. Yun lang, babayaran lang yung per head ng P3,500.00.

So, mag-iinvest na kami. Yun nga lang, ayaw pa rin nilang tanggapin dahil may proseso sila dun na kailangan, yung ginamit na pang-swab ay galing sa kanila. Pag hindi galing sa kanila ay hindi nila ila-laboratory sa kanila.

Kaya ayun, kailangan makipag-MOA at kailangang mag-deposit ng P5 milyon.

Paliwanag pa ni Gov. Ed Gadiano, sa P5 milyon ibabawas ng Red Cross ang lahat ng gastos sa bawat specimen na kailangan nilang i-test mula sa lalawigan.

Kasi yung P5 milyon, dun na lang nila ibabawas-bawas kung kukuha ka ng pang-swab, gamit at tsaka yung bayad na P3,500 kung ilan yung pinapasok mo, pati yung pang laboratory dun na rin ikakaltas. Kung hindi mo maubos, isosoli naman.

Tinanong din si Gov. Ed Gadiano ng anchorwoman kung malabo pa ang Red Cross Covid-19 testing.

So medyo malabo pa yan sa ngayon, ano Gov?

“Malabo pa“, sagot ni Gov. Gadiano.

Ganun pa man, ayon pa sa kanya, kung papayag ang Red Cross na mag-deposit muna ang Kapitolyo ng P3 milyon ay papayag na rin sya.

Pero kung papayag silang P3 milyon, papayag na rin ako kasi meron namang nakahandang pondo para don.

Sa kasalukuyan na nadala na sa RITM ang mga nakonsiderang “first priority” at hihintayin na lang ang pagdating ng resulta.

Yun nga lang, sa dami ng dinadala sa RITM, talagang maghihintay kami hanggang kailan.

Matatandaan na noong April 17 ay inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ang kanyang request para sa approval ng Supplemental Budget No. 2 na nagkakahalaga ng P236 milyon upang magamit sa mga gawin laban sa Covid-19.

Sa post ng Sangguniang Panlalawigan, hinati ang nasabing pondo para sa mga sumusunod na gastusin:

Bahagi ng kabuuang halaga ay ang ₱66,303,269 mula sa Bayanihan Grant for Provinces na kalahati ng isang buwang Internal Revenue Allotment o IRA.

Ilan sa nakapaloob sa Supplemental Budget ay ang mga sumusunod:

1. FINANCIAL ASSISTANCE (2ND ROUND) – ₱50K EACH FOR 164 BRGYS. – ₱8.2 Million

2. BALIK SIGLA FUND
(OPA) – ₱28,800,246.99
(PROVET) – ₱15,405,353.01
TO SUPPORT AGRICULTURE SECTOR

3. PHO – ₱96,465,665.99 RISK ALLOWANCE, MEDICAL EQUIPMENTS, PPE, AND OTHER OPERATIONAL EXPENSES

4. OMPH – ₱11,862,145.40

5. SAN JOSE DISTRICT HOSPITAL – ₱12,123,000.00

6. SAN SEBASTIAN DISTRICT HOSPITAL – ₱11,617,000.00

7. PDRRMO – ₱17,387,750.00 – FOOD SUPPLIES, AND OTHER MAINTENANCE AND OPERATIONAL EXPENSES

Matatandaan din na naglabas ng update ang PGO Occidental Mindoro noong March 31 kung saan 31 na health workers mula sa San Jose District Hospital ang nag-negatibo sa Covid-19 base sa resulta na natanggap ng Provincial Health Office mula sa RITM.

ED GADIANO PUNTO MINDORO
PGO Occidental Mindoro update on 31 health workers who tested negative of Covid-19. May 3, 2020.

Ayon sa PGO Occidental Mindoro, ang “Expanded COVID-19 testing ay bahagi ng Plan of Action ng ating Provincial IATF upang masuri ang kalagayan ng mga empleyado ng San Jose District Hospital, outpatients at pamilya ng mga Confirmed COVID-19 patients“.

Isinagawa ang pagkuha ng specimen noong April 20, 2020.

Sa kasalukuyan ay mayroon nang limang (5) kumpirmadong kaso ng Covid-19 ang Occidental Mindoro. Isa dito ay namatay na.

Mayroon na ring naitalang dalawang (2) pasyente na naka-recover mula sa virus ayon pa rin kanilang update noong May 3.

__________

WHAT IS CONTACT TRACING

People in close contact with someone who is infected with a virus, such as the Ebola virus, are at higher risk of becoming infected themselves, and of potentially further infecting others.

Closely watching these contacts after exposure to an infected person will help the contacts to get care and treatment, and will prevent further transmission of the virus.

This monitoring process is called contact tracing, which can be broken down into 3 basic steps:

Contact identification: Once someone is confirmed as infected with a virus, contacts are identified by asking about the person’s activities and the activities and roles of the people around them since onset of illness. Contacts can be anyone who has been in contact with an infected person: family members, work colleagues, friends, or health care providers.

Contact listing: All persons considered to have contact with the infected person should be listed as contacts. Efforts should be made to identify every listed contact and to inform them of their contact status, what it means, the actions that will follow, and the importance of receiving early care if they develop symptoms. Contacts should also be provided with information about prevention of the disease. In some cases, quarantine or isolation is required for high risk contacts, either at home, or in hospital.

Contact follow-up: Regular follow-up should be conducted with all contacts to monitor for symptoms and test for signs of infection.

WORLD HEALTH ORGANIZATION

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.