COVID19: Food Pass ng walang business permit, kinuwestyon ng Mamburao LGU

Food Pass ang nagsisilbing tiket ng mga trucks na may kargang essential goods at basic necessities upang makalampas sa mga quarantine checkpoints.

Pero bago mabigyan ng Food Pass, kinakailangan na mayroong maipresenta na Valid Business Permit ang aplikante.

FROM THE INSIDE:

Ito ang naging basehan ng Mamburao Inter Agency Task Force (IATF) upang ipatawag ang representative ng Department of Agriculture na siyang namamahala sa pag-iissue ng Food Lane Conduct Pass, April 13, upang papagpaliwanagin sa bagay na ito.

FOOD PASS
Click here if you’re hungry!

Sa pagharap ng Department of Agriculture sa Mamburao IATF, direkta silang tinanong ni Sangguniang Bayan member Konsehal Boy Maneja kung bakit sila nag-isyu ng Food Pass sa mga aplikante na walang valid business permit.

Ang sabi nyo kanina, isa sa mga requirements ninyo, business permit. Pero may inisyuhan kayo na ang ibinigay laang senyo ay barangay permit. Bakit nyo inisyuhan (food pass)?

Kon. BOY MANEJA

Depensa ng represetative ng Department of Agriculture na si Ian Von Yadao, mayroong iprinisentang “barangay permit” ang tinutukoy na trucker ni Kon. Boy Maneja.

Nakalagay naman po sa barangay permit nila na may mga produkto sila na itinatawid. Halimbawa po dito sa Mamburao, na ang produkto po nila, naka-certify na ang produkto nila ay dadalhin po nila sa Sablayan.

FOOD PASS PUNTO MINDORO
Representative mula Department of Agriculture

Hindi nito nakumbinsi si Kon Boy Maneja at hiningi pa rin ang paliwanag sa bagay na ito.

Sabi nyo Business Permit. Eh walang Business Permit dun sa sinasabi mo eh. Ang sabi nyo, requirement nyo Business Permit. Eh walang Business Permit dun sa sinasabi mong mga tinanggap mong requirement.

FOOD PASS PUNTO MINDORO

Inayudahan ito ni Business Permit and Licensing Officer Willer Pahilagmago na inihalimbawa ang naisumbong sa kanya na isang negosyante ng Mamburao na nagdeliver ng itlog samantalang ang negosyo at ang business permit naman ay dry goods.

Kasi nung isang araw po, kita ko, tinanong ko yung dinalhan ng itlog, yun daw pong Muslim ang nag-deliver sa kanila. Ibig sabihin, nabigyan nila ng food pass. Pero walang permit sa atin yun ng sa trucking. Kasi nga ang permit nya, as dry goods, paliwanag ni BPLO Pahilagmago.

Muling tinanong ni Kon. Boy Maneja ang DA tungkol dito.

“Ang requirement ninyo Business Permit. Pinakitaan kita ng Barangay Certificate, o kung ano mang klaseng Certificate galing sa barangay. Bakit mo ako papayagan, bibigay ng Food Pass? E yung Business Permit ang requirement mo.”

Sagot ni Yadao, nagbigay umano ang trucker ng DTI Permit.

“Kasi po Sir nagbigay po sila nung DTI, ano po”, sagot ni Yadao.

Nagtanong na rin si Municipal Engineer Ariel Cortuna kung isa lang ba sa mga requirements ang DTI Permit bukod sa Business Permit.

Humingi pa rin ng paglilinaw si Kon. Maneja kung lahat ba ng requirements ay kailangang isubmit, o kahit isa lamang dito ang maisubit at maiisyuhan na ng DA ng Food Lane Conduct Pass.

Ang ibig mong sabihin, kung ang requirements mo ay sampu, makapag-produce ako ng isa, okay na sa inyo?, tanong ni Kon. Maneja.

“Hindi Sir. Ang ibinibigay po nila, DTI Permit po, Mayor’s Permit po”, paliwanag ni Yadao.

“Ay mali”, susog ni Municipal Engineer Ariel Cortuna.

Pahabol pa ni Kon. Maneja, ang mga ganitong senaryo ang dahilan upang magka-aberya ang mga truck sa check point area ng Mamburao.

FOOD PASS PUNTO MINDORO

“Kasi sa ginagaw nyo, kami ang nagkaka-problema eh”

Unang nabigyang pansin ni Department of Agriculture Secretary William Dar ang pagkakaantala ng mga truck na may kargang essential goods tulad ng agriculture products dahil sa mga isinasagawang quarantine check points.

Para mapabilis ang dalos ng mga ito, nakipag-coordinate siya sa Philippines National Police (PNP) at Department of Interior and Local Government (DILG) na payagan na malayang makalampas ang mga trucks na mabibigyan o maa-accredit nila para sa Food Pass.

“All vehicles carrying essential food commodities, agri-fishery products and inputs bearing government-issued stickers must be allowed passage at quarantine checkpoints through these food lanes. The Department of Agriculture is currently fine-tuning our food resiliency protocol, pursuant to the latest announcement by President Rodrigo Duterte, to ensure every Filipino household in the country, which are dependent from outside sources of food, will have access to safe and affordable food.”

DA Sec. William Dar, GMA NEWS ONLINE

Noong March 24, 2020, naglabas ang Department of Agriculture Regional Field Office MIMAROPA ng infographics ng Guidelines sa pagkuha ng Food Lane Conducut Pass. At isa dito ang slide na naghahanay ng mga requirements para dito.

Ito ay ang mga sumusunod:

  • scanned copy of official receipt of registration ng sasakyan
  • scanned copy of certificate of registration ng sasakyan
  • scanned copy ng BUSINESS PERMIT
  • napunan na Food Pass Accreditation Form
  • napunan ng Food Pass Reference Form
  • napirmahang Statement of Commitment
  • scanned copy ng lisensya ng may-ari at accreditation of transport carriers galing sa Bureau of Animal Industry at accreditation of meat transport vehicle galing sa National Meat Inspection Service (NMIS) para sa mga magde-deliver ng livestock, poultry at by-products mula sa hayop.

FOOD PASS PUNTO MINDORO
FOOD PASS PUNTO MINDORO
FOOD PASS PUNTO MINDORO
FOOD PASS PUNTO MINDORO
FOOD PASS PUNTO MINDORO
FOOD PASS PUNTO MINDORO
FOOD PASS PUNTO MINDORO
FOOD PASS PUNTO MINDORO
FOOD PASS PUNTO MINDORO

What is Food Pass Accreditation?

Food pass accreditation is granted to qualified suppliers and truckers that go to and from and/or pass through Metro Manila and other regions to deliver agricultural commodities; it is granted upon the completion of requirements. Food pass will be valid during the community quarantine period only. To pass the food lane, delivery trucks and other vehicles must acquire the food lane stickers. This includes the Certificate of Food lane Accreditation that enables suppliers and truckers of agri-fishery products to preferential incentives but is not limited to:

1. Truck ban exemption, subject to MMDA rules, regulations and policies

2. Ease of passage in checkpoints and designated food lanes in Metro Manila and other regions

3. Immediate assistance during products delivery

Source: Agriculture.com.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.