Food For Work Program ni Mayor Lyn Tria kontra Covid-19

Ang Food For Work Program ni Mayor Lyn Tria ay hindi isang siyentipikong medisina na nakapagpapagaling mula sa inpeksyon ng Covid-19.

Isa itong gawain ng naglalayong matugunan, kahit sa maliit na paraan, ang pagkaing pangangailangan ng mga kababayan na mayroong malasakit sa kalinisan ng kapaligiran.

alcaide grilled burger
Thirsty? Visit ALCAIDE’S GRILLED BURGER AND MORE!

FROM THE INSIDE:

Hindi isang doktor si Mayor Tria. Isa siyang lider ng bayan ng Mamburao na masigagasig na naglalatag na mga paraan upang matulungan ang kanyang nasasakupan.

Ano nga ba ang food for work program?

FOOD FOR WORK PROGRAM MAMBURAO MAYOR LYN TRIA
FOOD FOR WORK PROGRAM MAMBURAO MAYOR LYN TRIA
FOOD FOR WORK PROGRAM MAMBURAO MAYOR LYN TRIA

Dahil pandemya, ipinatupad ang community quarantine kung saan natigil ang paggawa o hanap-buhay ng mga tao.

Ipinag-utos ng gobyernong nasyunal na kinakailangang manatili sa kanilang tahanan ang lahat. At sa unang buwan ng pagpapatupad ng community quarantine, binigyan ang bawat tahanan ng pagkain mula sa pondo ng gobyerno.

Subalit hindi naman talaga sasapat ang mga ito. Dahil sa kasalukuyan ay lumalakad na sa ika-apat na buwan ang quarantine. At tulong at ayuda pa rin ang kailangan ng mga tao.

FOOD FOR WORK PROGRAM MAMBURAO MAYOR LYN TRIA
FOOD FOR WORK PROGRAM MAMBURAO MAYOR LYN TRIA
FOOD FOR WORK PROGRAM MAMBURAO MAYOR LYN TRIA

Sa isang banda, bukod sa nawalan ng hanap-buhay, bahagya ding nakalimutan ang kalinisan ng kapaligiran, na maaring magdulot ng negatibong epekto sa kalikasan.

Sa pagpasok ng pandemya, nadala ang atensyo ng pamahalaan sa kung paano tutulungan at susuportahan ang mga nasasakupan. Lalong higit, napatutok ang oras ng mga nanunungkulan sa kung paano maiiwasan at malalabanan ang Covid-19.

Dito nakita ni Mayor Tria na hindi dapat napapabayaan ang iba pang bahagi ng pamayanan. At ito nga ay ang kalinisan.

Subalit batid ni Mayor Tria na hindi ganun kadali ang magkumbinsi ang mga kababayan na lumabas ng tahanan para maglinis ng kapaligiran. Ito na ang naging hudyat upang buuin niya ang Food For Work Program.

FOOD FOR WORK PROGRAM MAMBURAO MAYOR LYN TRIA
FOOD FOR WORK PROGRAM MAMBURAO MAYOR LYN TRIA
FOOD FOR WORK PROGRAM MAMBURAO MAYOR LYN TRIA

Sa Food For Work Program, inaanyayahan ang sinumang nais magboluntaryo para maglinis ng kanilang barangay. Ito ay base na rin sa rekomendasyon ni Budget Officer Shella Cabrera na nagsisilbi din bilang Solid Waste Management Focal Person ng pamahalaang bayan ng Mamburao.

Katuwang si Budger Officer Cabrera, sinimulan ni Mayor Tria ang Food For Work Program kung saan target na malinisan ang dalampasigan na nasasakop ng mga barangay.

Matapos maglinis, tatanggap ang mga volunteers ng tatlong kilong bigas mula sa pamahalaang bayan.

FOOD FOR WORK PROGRAM MAMBURAO MAYOR LYN TRIA
FOOD FOR WORK PROGRAM MAMBURAO MAYOR LYN TRIA
FOOD FOR WORK PROGRAM MAMBURAO MAYOR LYN TRIA

Ayon kay Mayor Tria, “four birds in one shot” ang naging resulta ng Food For Work Program.

Una, nabigyang pansin ang kalinisan ng kapaligiran.

Pangalawa, nabigyang tulong o ayuda ang mga kababayan, lalo na ang mga volunteers na may malasakit sa kapaligiran.

Pangatlo, nabibigyan siya ng pagkakataon na makipag-kumustahan sa kanyang nasasakupan na nagiging tulay naman upang malaman ang kanilang suliranin o sitwasyon, na maari naman niyang pagbasehan sa mga susunod na programang ipatutupad.

At pang-apat, nabubuo ang esensya ng pagtutulungan ng mamamayan at higit pang nabubuhay sa puso ang pagmamalasakit sa kalikasan.

Paliwanag ni Mayor Tria, hindi dapat tumitigil ang mundo sa Mamburao dahil lamanag sa Covid-19.

FOOD FOR WORK PROGRAM MAMBURAO MAYOR LYN TRIA
FOOD FOR WORK PROGRAM MAMBURAO MAYOR LYN TRIA
FOOD FOR WORK PROGRAM MAMBURAO MAYOR LYN TRIA
FOOD FOR WORK PROGRAM MAMBURAO MAYOR LYN TRIA

“Marami pa tayong pwedeng gawin. At isa na nga itong cleanup drive sa pamamagitan ng Food For Work Drive. Gusto ko rin naman na kahit papaano ay pagtrabahuhan nila ang kanilang tatanggapin. Hindi ito para sa aking. Para ito sa kanila. Dahil kapaligiran nila ang nalilinis sa ganitong gawain”, dagdag pa ni Mayor Tria.

Sa kasalukuyan ay nakapagsagawa na ng cleanup drive sa lahat ng barangay sa kabayanan. Narating at nalinis na rin ang mga coastal areas ng mga barangay na nasa labas ng kabayanan tulad ng Brgy. Fatima, Balansay, at Tayamaan.

“Natutuwa din ako na nakakasama din natin dito ang mga Konsehal ng ating bayan. Nariyan sina Konsehal Damsy Abeleda, Boy Olfato, at Boy Maneja. Salamat at nakikita nila ang kahalagahan ng gawaing ito. Pati mga barangay officials na sinasamahan tayo, maraming salamat sa kanila”, aniya.

Hindi pa dito natatapos ang Food For Work Program. Ipagpapatuloy ito sa kung saan at kailan ito kinakailangan para sa kalikasan.

__________

Bisitahin ang Facebook page na HATAW MAMBURAO para sa iba pang aktibidades ng Mamburao LGU.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.