Endangered Tamaraw Sa Mt. Iglit, kinatay ng 3 poachers

Habang nagpapatrolya ang mga Rangers noong Biyernes, August 28, namataan nila ang tatlong poachers na nagpapatuyo ng karne ng critically endangered na Tamaraw sa sa Mount Iglit – Baco Natural Park na isang protected area at kinikilalang ASEAN Heritage Park.

Pinalibutan nila ang mga ito at nahuli ang dalawang poahcers, subalit nakatakas ang ikatlong suspect.

FROM THE INSIDE:

TAMARAW OCCIDENTAL MINDORO MT. IGLIT - MT. BACO
Photo by rappler.com. August 29, 2020.

Nakumiska sa mga poachers ang dalawang pugakong o home made shotgun, isang sako ng karne ng Tamaraw na illegal na ibibenta bilang tapa.

Nang tanungin ng Rangers ang mga poachers, sinabi ng mga ito na “pang kain lang ito” at ibebenta naman ang iba.

Ganun pa man, makalipas ang ilang oras, nakatakas na rin ang dalawa pang suspect sa pamamagitan ng pagtakbo sa kagubatan.

TAMARAW
Tinanggap na ng Caminawait Port Stevedore sa bayan ng San Jose ang 120 rain coat na hiniling nila kay Bokal Philip Ramirez. August 26, 2020.

Ang Tamaraw ng Mindoro ang isa sa pinaka-endangered specie ng buffalo sa buong mundo. Na-classify ito ng Union For The Conservation Of Nature bilang critically endangered specie.

Aabot na lang sa 600 ang tamaraw sa buong mundo na karamihan ay matatagpuan sa apat na isolated areas sa Mindoro. Protektado sila ng Wild Life Act o ang Republic Act 9147. Ang sinumang mapapatunayang pumatay ng tamaraw ay maaring makulong ng hanggang 12 taon bukod pa ang P1 million halaga ng multa.

Ayon kay Tamaraw Conservation Program Head Neil Anthony Del Mundo, maaring sinamantala ng mga poachers ang ipinatutupad na Covid-19 lockdown para makapasok sa protected area para mag-hunting ng mga hayop. Mariin din niyang sinabi papanatugin sa batas kung sakali mang mahuli nilang muli ang mga nakatakas na poachers.

TAMARAW OCCIDENTAL MINDORO NEIL ANTHONY DEL MUNDO
Neil Anthony Del Mundo, DENR Tamaraw Conservation Program,

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi niya na ang nasabing Tamaraw ay nasa 6 na taong gulang at isang lalaki. Nangako din siya na pipilitin niyang mapanagot ang salarin sa loob ng 72 oras.

I will see to it that the full extent of the law is enforced. Within 76 hours, I promise myself to hold these hunters accoutable. Sobra na sila.

NEIL ANTHONY DEL MUNDO, DENR Tamaraw Conservation Program

Samantala, bagama’t kulang sa kagamitan at pondo, patuloy at masigasig pa rin nagpapatrolya ang mga rangers ng Tamaraw Conservation Program sa Mount Iglit – Baco Natural Park.

Isa lang sa 24 na Park Rangers ang tumatanggap ng benepisyo bilang regular employee. Nitong nagdaang buwan, 32 sa 35 park wardens ang natanggal sa trabaho nang isara sa publiko ang Mount Iglit – Baco Natural Park dahil sa pandemya.

The tamaraw is the largest mammal endemic to the Philippines. It closely resembles the water buffalo (carabao) except that it is smaller in size more solidly built darker in color with thicker coat and its horn grows straight upward forming a “V”.

The horns which are triangular in cross section are shortbut very stocky and back curving leaving the skull at an angle of 60 – 70 degrees. They can reach 100 to 120 cm. in height at the shoulder and weights up to 300 kg.

Tamaraws are generally grayish black but can be dark brown; they have light markings on the fetlocks, lower neck and head. Newly born animals tend to be reddish brown with a dark dorsal line.

DENR Tamaraw Conservation Program

IN THE NEWS:

Visit DENR Tamaraw Conservation Program Facebook page.

_________________

Source: rappler.com. Read full story here.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.