Mayroon nang malalapitan ang mga nagnanais na makakuha ng Business Registration sa bayan ng Magsaysay sa pagbubukas ng DTI Negosyo Center dito, January 11.
Sa pagdating ng DTI Negosyo Center, hindi na kakailanganin pang pumunta sa bayan ng San Jose para magpa-rehistro ng ‘business name’ ang mga negosyante, ganund in ang mag-renew nito, ayon sa post ng Bayan Ng Magsaysay, Occidental Mindoro.
FROM THE INSIDE:
- Odiongan Mayor Fabic, naglaan ng P5M pambili ng Covid-19 vaccine
- PHOTO: Alcaide’s Grilled Burger & More’s party foods
- Benjamin Arroza: Abandonado at walang gumagawa sa Fire Station ng Magsaysay
- Bayanihan Grant: How did Magsaysay utilized it vs Covid-19?
- Sa Bayan ng Magsaysay, may disiplina sa pagtanggap at pamimigay
Isa rin sa mga hatid na serbisyo ng DTI Negosyo Center ay ang pagbibigay ng mga kaalaman sa pagpili, pagsisimula, at pamamahala ng negosyo. Ang mga kaalamang ito ay maari namang matanggap ng mga interesadong entrepreneur sa pamamagitan ng mga seminar o pagsasanay na kanilang isinasagawa, depende sa kung ano pangangailangan.
Ang Negosyo Center ay halaw sa Republic Act No. 10644 “AN ACT PROMOTING JOB GENERATION AND INCLUSIVE GROWTH THROUGH THE DEVELOPMENT OF MICRO, SMALL, AND MEDIUM ENTERPRISES‘ na ini-sponsor ni Sen. Bam Aquino noong 2013, at naaprubahan ni Pang. Benigno Aquino noong July 2014.
| Click here to see more photos.
Kilala din bilang ‘Go Negosyo Act of 2013’, pangunahing target nito na matulungan na umunlad ang maliliit na negosyo, ganun din ang pagbibigay ng trabaho sa nakararami. Mula dito ay nabuo ang konsepto ng Negosyo Center para naman mas mailapit sa mamamayan ang serbisyo, lalong higit ng Department of Trade and Industry (DTI).
Ilang sa mga serbisyong hatid ng Negosyo Center ay ang mga sumusunod:
- Business Registration Assistance,
- Business Advisory Services,
- Business Information and Advocacy, and
- Monitoring and Evaluation (of business-process improvement for MSMEs)
Nagpa-abot naman ng pasasalamat si Mayor Jun Jun Tria sa DTI dahil nabigyang pansin ang mga negosyante ng bayan ng Magsaysay
IN THE NEWS: