Pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ‘Doktor Para Sa Bayan Act’, December 23, upang tuluyan nang maging isang batas na naglalayong madagdagan ang bilang ng doktor na magsisilbi sa mga lugar na wala sila.
Kinumpirma ito ni Senate President Vicente Sotto III sa mga reporter matapos matanggap ang pirmadong kopya nito mula sa Malacañang kahapon, January 4.
FROM THE INSIDE:
- Ramirez ends 2020 with youth, family-oriented projects
- Camurong Circumferential Road
- Sinong mahilig sa sisig dyan?
- Nakakain ka na ba sa Sikatuna Beach Hotel?
Sa pamamagitan ng RA 11590, mabibigyang daan ang pagkakaroon ng ‘medical scholarship at return service program’ sa mga state universities and colleges (SUCs), ganun din sa mga matutukoy na ‘partner private higher education schools’.
Bibigyan din ng direktiba ang Commission on Higher Education (CHED) ‘to streamline the requirements for the application for authority to offer Doctor of Medicine Program’, ayon sa report ng Manila Bulletin.
Bibigyang prayoridad ng programa ang mga estudyante na mula sa mga lugar na walang doktor o physician.
Matapos ang kanilang pag-aaral at makapasa sa Board Exam ay magsisilbi sila sa “government hospitals in their hometown or in any municipality in their home province or in any underserved municipality”, ayon kay Pres. Duterte.
At kung sakali na hindi sila ‘magbalik-serbisyo’, kailangan nilang bayaran ang kabuuang nagastos ng gobyerno para sa kanilang pag-aaral.
Sasagutin ng nasabing batas ang mga sumusunod na gastusin ng mapipiling medical program scholar:
- Free tuition and other school fees
- Allowance for prescribed books, supplies and equipment
- Clothing or uniform allowance
- Allowance for dormitory or boarding house accommodation
- Transportation allowance
- Internship fees
- Medical board review fees
- Licensure fees
- Annual medical insurance
- Other education-related miscellaneous subsistence or living expenses
Si Sen. Sotto ang main author ng ‘Doktor Para Sa Bayan Act’, habang si Sen. Joel Villanueva naman ang principal author nito.
Ayon naman kay Committee on Higher, Technical and Vocational Education Sen. Joel Villanueva, matutugunan ng batas ang kakulangan sa doktor ng bansa na hindi maikakaila sa gitna ng Covid-19 pandemic.
Paliwanag pa niya, nasa 207 na munisipalidad ang walang physician na tumutugon naman sa halos 79,000 bilang na kakukulangan sa doktor sa buong bansa.
Na-ratify ng Senado ang bill version ng nasabing batas noong October 2020.
























Sources: