112 direct contacts ni P44, naitala ng Abra De Ilog IATF

Sa isinagawang contact tracing, nakapagtala ang Abra de Ilog IATF ng 112 direct contacts ni Patient No. 44 base sa pinakahuling ulat ng Abra de Ilog – Municipal Health Office, July 1.

Si Patient No. 44 ay ang pangalawang confirmed Covid-19 case sa bayan ng Abra de Ilog na taga Brgy. San Vicente.

alcaide grilled burger
Thirsty? Visit ALCAIDE’S GRILLED BURGER AND MORE!

FROM THE INSIDE:

Isa siyang 34-year old female na healt care worker sa Abra de Ilog Community Hospital. Nakumpirma ang kanyang kaso noong June 29 matapos matanggap ang resulta ng kanya swab test mula Red Cross.

Ayon sa Abra de Ilog Municipal Health Office, natukoy ang mga direct contacts mula sa apat (4) na barangay, ganun din ang mga co-workers nito sa Community Hospital.

DIRECT CONTACTS ABRA DE ILOG MUNICIPAL HEALTH OFFICE
CLOSE CONTACTS ABRA DE ILOG MUNICIPAL HEALTH OFFICE
Abra de Ilog MHO heath workers habang nagsasagawa ng contact tracing. Photo courtesy of Abra de Ilog Municipal Health Office.

Narito ang bilang ng direct contacts ni Patient No. 44 ayon sa Abra de Ilog Municipal Health Office:

  • Co-workers – 44
  • Brgy. Balao – 2
  • Brgy. Poblacion – 24
  • Brgy. San Vicente – 32
  • Brgy. Wawa – 10

Sa Facebook post naman ng PIO Abra de Ilog, karamihan sa mga ito ay nakasalumuha ni Patient No. 44 sa birthday party na kanyang pinuntahan. Kasama na rin dito ang kanyang mga kapit-bahay.

Wala pang impormasyon kung saang barangay ang pinuntahan niyang birthday party. Subject to confirmation umano sa IATF meeting kung mayroon ngang naganap na birthday party na pinuntahan ni Patient 44.

Sa isang banda, ayon naman sa report ng PGO Occidental Mindoro, kasama sa travel history ni Patient 44 ang bayan ng Mamburao.

Ayon sa ating source, nagpunta umano siya sa BPI, sunod ay sa JV Mart. Kasama sana sa contact tracing ang JV Mart, pero wala umano itong log book na maaring maging basehan kung nagtungo nga dito si Patient 44.

CLOSE CONTACTS ABRA DE ILOG MUNICIPAL HEALTH OFFICE
Pinangunahan ni Mayor Eric Constantino ang IATF meeting kaugnay ng isinagawang contact tracing ng mga nakasalamuha ni Patient No. 44. Photo courtesy of PIO Abra de Ilog.

Sa kasalukuyan, kinumpirma ng Abra de Ilog Municipal Health Office na lahat sila ay naka-home quarantine na simula pa noong Lunes.

Samantala, ayon kay Abra de Ilog MDRRMO Geof Panganiban, ang desisyon na i-home quarantine ang mga direct contacts ay base sa isang Executive Order ng LGU kung saan mayroong apat na level ng quarantine.

May 4 levels of quarantine kasi kami based on ligtas covid.

1. Home Quarantine para sa mga may history ng travel sa areas with local transmission tulad ng mga LSI o may direct contact sa mga confirmed case. Ito yung mga PUMs

2. Barangay Isolation Facilities kung magkaroon ng mild signs and symptoms ang mga PUM. Dapat lahat ng Barangay meron.

3. Hospital Based (OMPH) kung maging severe ang signs and symptoms.

4, Municipal Isolation para sa mga confirmed cases without signs and symptoms.

MDRRMO Geof Panganiban

Dagdag pa niya, buong pamilya ng direct contact ang naka-home quarantine sa loob ng labing-apat (14) na araw, habang ang second contacts ay nasa watch list under high precautions.

Yung 2nd degree contact, naka watchlist. And they should undergo voluntary self quarantine under high precautions.

___________

Photos courtesy of Abra de Ilog Municipal Health Office and PIO Abra de Ilog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.