DENR coastal clearing ops sa Sitio Bagong Sikat

Pinangunahan ni DENR Provincial Environment Management Officer (PEMO) Alex Coden ang isinagawang coastal clearing operations sa Sitio Bagong Sikat sa Brgy. Payompon, Mamburao, Occidental MIndoro, September 11.

FROM THE INSIDE:

Kasama sina Mamburao Solid Waste Management Focal Person at Budget Officer Shella Cabrera, Private Secretary Jojo Magpantay at Payompon Kagawad Arnel Tinamisan, unang tinungo ang nasabing lugar, sunod ang iba pang barangay sa kahabaan ng boulevard.

Nauna nang nagpadala ng notice ang DENR sa mga indibidwal na nagmamay-ari ng mga temporary structure na tanggalin ang mga ito base na rin sa mga batas na may kinalaman sa pangangalag ng kalinisan at kaayusan sa dalampasigan.

DENR COASTAL CLEARING
Mamburao Solid Waste Management Focal Person Shella Cabrera at Brgy. Payompon Kagawad Arnel Tinamisan.

DENR COASTAL CLEARING
DENR COASTAL CLEARING

Kasabay nito ay pagsasawa na rin ng paglilinis sa mga basura na nakitang nakatambak sa dalampasigan ng Sitio Bagong Sikat.

Kasama ding nilinis ang mga luma at sirang bangka na iniwan na dito na may-ari.

Ayon kay PEMO Alex Coden, aminado siya na hindi madali ang pagpapatupad ng batas, ganun din ang makuha ang kooperasyon ng mamamayan. Pero patuloy silang magpapaalala sa mga residenteng nakatira sa harapan ng dalampasigan para na panatilihing malinis ito, katuwang ang pamahalaang bayan ng Mamburao.

AERIAL SHOT NG SHORE AREAS NA DADAANAN NG CLEARING OPS

AERIAL SHOT NG SHORE AREAS NA DADAANAN NG CLEARING OPSAugust 20, 2020Sa pakikipagpulong ng DENR sa LGU, kanilang ipinakita ang aerial shots ng shore areas mula Brgy. Payompon patungong Brgy. 6 na unang dadaanan ng isasagawang clearing operations.Click here to watch related video: https://bit.ly/2Qgudvd

Posted by Punto Mindoro on Saturday, August 22, 2020

PEMO ALEX CODEN, PINALIWANAG ANG PAGTATANGGAL NG ISTRAKTURA SA MAMBURAO SHORE AREAS

ππ„πŒπŽ 𝐀𝐋𝐄𝐗 π‚πŽπƒπ„π, ππˆππ€π‹πˆπ–π€ππ€π† 𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐓𝐀𝐓𝐀𝐍𝐆𝐆𝐀𝐋 𝐍𝐆 πˆπ’π“π‘π€πŠπ“π”π‘π€ 𝐒𝐀 πŒπ€πŒππ”π‘π€πŽ π’π‡πŽπ‘π„ 𝐀𝐑𝐄𝐀𝐒August 20, 2020Mandato ng DENR, kasama ang LGU na i-clear ang mga istraktura na nasa coastal areas base na rin sa mga umiiral na batas. Ito ang ipinaliwanag ni DENR – Provincial Environment Management Officer (PEMO} Alex M. Coden sa kanyang pakikipagpulong sa LGU, PNP at Barangay Officials.Sa susunod na mga araaw ay magpapadala na ng Letter of Notice ang na-identify nila na nagmamay-ari ng mga istraktura sa coastal areas mula Brgy. 9 haggang Brgy. 6. Tatlong batas ang magiging sandigan nito – π–πšπ­πžπ« π‚π¨ππž, 𝐂π₯𝐞𝐚𝐧 π–πšπ­πžπ« π€πœπ­ 𝐚𝐭 π„πœπ¨π₯𝐨𝐠𝐒𝐜𝐚π₯ 𝐒𝐨π₯𝐒𝐝 π–πšπ¬π­πž 𝐌𝐚𝐧𝐚𝐠𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭 π€πœπ­. Hiniling din niya ang Ordinansa ng Sangguniang Bayan matapos ang clearing operations upang mapanatili ang kalinisan ng coastal areas.Sa bisa ng 𝐃𝐄𝐍𝐑 πŒπˆπŒπ€π‘πŽππ€ ππ„ππ‘πŽ π’π©πžπœπ’πšπ₯ 𝐎𝐫𝐝𝐞𝐫 𝐍𝐨. πŸ“πŸŽ, π’πŸπŸŽπŸπŸŽ, binuo ang Special Task Force On Illegal Occupations And Structures Within Shore Areas And Mangroves In The Municipality Of Mamburao, Occidental Mindoro. Tinukoy na miyembro nito ang mga sumusunod:β–  PEMO Alexander M. Coden – Team Leaderβ–  LMO III Romualdo S. Tria – Assistant Team Leaderβ–  LMO III Rolando I. Matanguihan – Memberβ–  Forester Ariston SJ Ramos – Memberβ–  LMO I Tomas C. Rendon III – Memberβ–  PMF Noriel M. Dulatre – MembersGanun, kailangan pa rin nila ang tulong ng LGU sa pangunguna ni Mayor Lynn Tria, Sangguniang Bayan sa pamamagitan ni Kon. Raul Villar Masangkay bilang Chairman ng Committee on Environment , Mamburao Mps, at Barangay Officials.Denr Occidental Mindoro DENR Mimaropa DENR-Biodiversity Management Bureau

Posted by Punto Mindoro on Friday, August 21, 2020

Click here to see more photos.

AROUND THE NET”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.