Kon. Damsy Abeleda: Ang dagat ng Mamburao ay para sa taga-Mamburao

Mariin na ipinaalala ni Kon. Damsy Abeleda ng Mamburao, Occidental Mindoro na ang karagatan na nasasakupan o nasa loob ng municipal water ay para sa taga-Mamburao.

Ito ang isa sa mga paksa na tinalakay niya sa isang programa kung saan namahagi ang pamahalaang bayan ng Mamburao ng food relief packs noong November 5 sa mga mangingisda sa Brgy. 7 na hindi nakalaot dahil sa bagyong Quinta at Rolly.

FROM THE INSIDE:

IHAWAN SA BALAI NI EPHINE
Looking for Filipino cuisines? Visit Ihawan Sa Balai Ni Ephine Restaurant in Mamburao, Occidental Mindoro.

Aniya, ang dapat na unang makinabang ng yaman ng dagat sa paligid ay ang mga taga-Mamburao mismo, at hindi ang mga dayuhan na namamalakaya, lalo na sa loob ng municipal water.

Hiniling din ni Kon. Damsy Abeleda sa mga mangingisda na tulungan ang pamahalaang bayan na maprotektahan ang municipal water sa pamamagitan ng pagsusumbong ng mga nakikita nilang dayuhang namamalakaya upang mabigyang aksyon ng Bantay Dagat o ng iba pang ahensya.

Masabi po ninyo kung mayroon po bang mga ibang tao na hindi naman taga rito saten, o mga namamalakaya, na dapat sana tayo ang makakahuli at maiibenta natin sa ating palengke at pakikinabangan ng ating pamilya, ay napapakinabangan pa po ng iba.

Hindi rin aniya dapat kinukunsinti ang mga negosyante ng Mamburao na kumukunsinti o kumukupkop sa mga dayuhang mangingisda.

DAMSY ABELEDA
Kon. Damsy Abeleda (kaliwa) habang kausap si Kap. Jimmy Patal ng Brgy. 7, Mamburao, Occidental Mindoro.

Dahil yung iba naman po ay nagpoproteksyon dun sa mga mangingisdang yan na galing sa ibang lugar dahil sa kanilang pinagkakakitaan…at kanilang pinagtatakpan, ay hindi po natin pinapayagan yan.

DAMSY ABELEDA

Mayroong umiiral na Fishery Code ang bayan ng Mamburao at ang mga bagay na ito ay paglabag dito, bukod pa sa pagpapahirap sa mangingisda ng Mamburao.

DAMSY ABELEDA
Pinangunahan ni Mayor Lyn Tria ang pamamahagi ng food relief packs sa mga mangingisda ng Brgy. 7. Bukod kay Kon. Damsy Abeleda, kasama din ang iba pang miyembro ng Sangguniang Bayan na sina Bito Alastre, Jenny Villar, Fe Agoncillo, Boy Olfato, at Marites Pantoja – Evangelista.

Si Kon. Damsy Abeleda ang siyang kasalukuyang Chairman ng Committee on Fishery and Agriculture sa bayan ng Mamburao.

Kaya po ako ay humihingi ng tulong sa inyo bilang tagapamuno ng komitibang ito, makipagtulungan po kayo sa amin para makapagbigay po kami sa inyong lahat ng proteksyon na gusto ninyo at gusto namin.

Kon. Damsy Abeleda

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.