COVID19: Cong. Josephine Sato, patuloy sa pamimigay ng PPEs

Patuloy sa pamimigay si Occidental Mindoro Lone District Representative Josephine Sato ng personal protective equipment (PPE) sa mga hospital at frontliners bilang tugon sa hamon ng COVID-19.

Ayon kay Chanel Cortez Bermudez, District Staff ni Cong. Josephine Sato, nagbigay din sila ng alcohol sa bawat munisipalidad at sa frontliners.

JOSEPHINE SATO PUNTO MINDORO
Inihatid ni District Staff Chanel Cortez Bermudez (in blude) ang mga kahon na naglalaman ng PPEs sa COVID-19 Provincial Operation Center. April 14, 2020.
JOSEPHINE SATO PUNTO MINDORO

FROM THE INSIDE:

Kaninang hapon ay inihatid niya sa Provincial Operation Center ang dalawang (2) aerosol boxes para sa mga District Hospitals. Kasama ito ng dalawa (2) pang boxes na naglalaman naman ng N95 masks, face shields, shoe cover, hair nets, gloves at coveralls para sa Occidental Mindoro Provincial Hospital.

Ang PPE ay bunga ng close coordination ni Cong. Josephine Sato kay Vice President Leni Robredo na masigasig sa kanyang kampanya upang makakalap ng pondo para sa mga PPEs.

IN THE NEWS:

Sa kasalukuyan ay umabot na sa P50.9 million ang nalikom ng opisina ni Vice President Leni Robredo. Ito ang kanyang ginugugol sa pagbili ng mga PPEs para sa frontliners.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.