Oksi at mga deklarasyon sa MIMAROPA kontra COVID-19

Sa nagdaang tatlong araw, naging mabilis ang mga kaganapan sa rehiyon ng MIMAROPA at karatig lalawigan sa gitna ng mabilis din na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

March 11. Nasa 49 pa lang ang bilang ng mayroong COVID-19 sa Pilipinas. Makalipas ang bente kuatro oras, March 12, naitala ang 3 bagong kaso upang maging 52 na ang bilang.

AT BANDANG 9:00PM, MARCH 13, NAGLABASAN ANG MGA BALITA NA MAY BAGONG 12 KASO NA NAMAN AYON SA DOH!

IN THE NEWS:

Pero bago tayo tumawid patungong MIMAROPA, daanan muna natin ang Batangas.

March 13. Nagpost ang PIA Batangas na mayroon na ring 2 kaso ng COVID-19. Bagama’t sinasabi na nasa isang ospital sila sa Maynila, malapit pa rin ang Batangas sa Occidental Mindoro.

MIMAROPA COVID-19

Ngayong gabi, March 13, opisyal nang nagdeklara si Gov. Bonz Dolor ng Oriental Mindoro ng pagpapatupad ng TOTAL TRAVEL BAN papasok at palabas ng lalawigan.

Narito ang buod ng deklarasyon ayon sa post ng PDRRMO OrMin:

Nilalaman ng executive order upang pigilan ang paglaganap ng COVID-19 sa Oriental Mindoro: A SUMMARY

1. Mula 12:01 ng tanghali Marso 14,2020 ipatutupad ang TOTAL BAN sa pagpasok ng mga tao sa ating lalawigan na manggagaling sa lahat ng pantalan at kalsada.

Ang ating mga barko ay nakahanda in a broken time schedule upang ihatid ang ating mga kababayan upang makapasok ang lahat sa lalawigan hanggang bukas lamang ng tanghali. Ngunit ang pakiusap, HUWAG NA PONG TUMULOY KUNG MAYROON PONG NARARAMDAMANG SINTOMAS NG COVID-19, BAGKOS AY DUMIRETSO AGAD SA MALAPIT NA OSPITAL.

2. Lahat ng delivery ng gamit, pagkain, at iba p ay papayagan pa ding pumasok maliban sa baboy ngunit hanggang pantalan lamang maliban sa delivery trucks na naglalaman ng krudo. Ang delivery trucks ng gasolina at krudo ay maaaring lumabas ngunit agad na babalik sa pantalan pagkatapos magsalin. Ang driver na manggagaling sa probinsya na may presensiya ng COVID19 ay hindi maaaring bumaba sa truck na sinasakyan nito.

3. Ang ating medical practitioners na maghahatid ng ating mga pasyenteng nangangailangang iluwas ay papayagan ngunit ang lahat ng kasama ng pasyente ay kinakailangang sumailalim sa 14 day self quarantine period pati na ang driver ng ambulansiya.

4. Pinapayagan ang mga miyembro ng AFP, PNP, Coast guard, DOH, Health Practitioners, peace and order personnel and officials, at espesiyal na manggagawa ng pamahalaan na makabalik sa lalawigan matapos ang 14 day self quarantine period.

5. Binibigyan ng kapangyarihan ang gobernador sa mga espesiyal na cases kung saan nakasalalay ang buhay ng mamamayan o kanilang kalusugan na magbigay ng exempted na pagpasok upang sila ay makabalik sa ating lalawigan

6. Maaaaring lumabas ng lalawigan ang sinuman ngunit hindi na maaaring makakabalik muli sa lalawigan habang nasa 14 day self quarantine period.

7. Lahat ng PASOK mula lunes MARSO 16-Marso 26 o maaaring higit pa mula pre elementary-high school at college na nasa private o public school ay SUSPENDIDO.

8. Lahat ng may prangkisa o walang prangkisa na sabungan ay SUSPENDIDO mula bukas 12:01.

9. Suspendido din mula 12:01 bukas ang anumang pagtitipon sa munisipyo, city hall, at kapitolyo.

10. Bawal din ang pagdalaw sa presinto.

11. Lilimitahan ang bantay sa ospital sa 1 at bawal ang bisita.

12. Ipinagbabawal din ang pagcconduct ng flag raising at retreat sa anumang govt agencies hanggang nakataas ang executive order na ito. Ang anumang govt initiated activities ay pinagbabawal na din.

13. Isasagawa din ang 4-day work week sa kapitolyo:
Monday-Tuesday 7am-6pm
Wednesday walang pasok
Thursday-Friday 7am-6pm

Hindi kasali dito ang medical practitioner at mga guwardiya, GSMAC, PDRRMO, at mga tatayong tao 24/7 upang mabantayan ang paglaganap ng COVID 19.

14. Ipatutupad ang nilalaman ng executive order na ito na walang kinikilingan at walang pinoproktektahan.

Para sa kaalaman ng lahat! Manatili po tayong ligtas.

I-click ITO para sa original upload ng video.

Narito ang kopya ng EXECUTIVE ORDER NO. 22 Series of 2020 ni Gov. Bonz Dolor ng Oriental Mindoro:

COVID-19
COVID-19
COVID-19

Kanina din lang, naglabas ng Memorandum Order No. 077, S2020 Gov. Jose Riano ng Probinsya ng Romblon na nagsu-supend ng klase at trabaho, pribado at publiko, sa March 17, at March 19-20, 2020 para sa paglilinis at pag-dis-infect ng mga paaralan at lugar ng trabaho. Makikita ang post na ito sa Facebook page ng Odiongan Public Information Office.

MIMAROPA COVID-19
MIMAROPA COVID-19
MIMAROPA COVID-19

March 13, 2020 pa rin, bandang 7:00pm, nagpost ang Facebook page ni Gov. Presby Velasco ng lalawigan ng Marinduque ng suspensyon din ng klase sa lahat ng antas ng mula March 17 hanggang March 20 para din pagdis-infect ng mga paaralan.

MIMAROPA COVID-19
Class suspension order ni Gov. Presby Velasco ng Marinduque.

Pero bago pa ang class suspension, nauna nang naglabas si Gov. Presby Velasco ng Amended Executive Order No. 13, S2020 na may titulong “AN ORDER STRICTLY IMPLEMENTING THE TRAVEL BAN ON TRAVELERS IN ORDER TO PREVENT/CONTAIN THE COVID-19”.

MIMAROPA COVID-19
MIMAROPA COVID-19
MIMAROPA COVID-19
MIMAROPA COVID-19

Sa Palawan, direktang sinabi ni Gov. Jose Alvarez na “mayroong P150 milyong piso ang Pamahalaang Panlalawigan na emergency fund at ang 30% dito ay nakalaan para sa quick response na maaaring magamit para sa patuloy na paghahanda upang maiwasan ang nasabing virus.” Makikita ang istorya nito sa PIO Palawan Facebook page na nai-post din ng March 13.

Sa Occidental Mindoro, ano ang mga kaganapan?

March 11. Dito pa lang nag-meeting ang Provincial Health Board upang alamin ang “status” ng lalawigan sa kinakaharap na COVID-19. Makikita ito sa PGO Occidental Mindoro Facebook page.

Sa kabuuan, nanatiling walang kaso nito sa lalawigan.

March 13. Sesyon ng Sangguniang Panlalawigan. Humarap si Provincial Health Officer Dra. Ma. Teresa Tan upang ilatag ang mga naging resulta na pagpupulong noong March 11. Sa kanyang ulat, narito ang kanilang rekomendasyon:

  • Another Executive Order on Establishing Measures to Prevent Entry of COVID-19 into the Province of Occidental Mindoro
  • Those with travel history to NCR for the past 14 days will be requested to self monitor for signs and symptoms
  • 4 Day Work Schedule
  • Social Distancing
  • Suspend travel of employees outside of the province
  • Returning employees from travel to NCR will need to undergo SELF MONITORING for the next 14 days and are advised to seek consult if signs and symptoms appears

Para naman sa kanilang PLANS:

  • Purchase thermal scanners for Abra de Ilog Port, San Jose Airport and Magsaysay
  • Prevent entry of PUI into the Province by screening at Batangas Port
  • Coordinate with Baleno Shipping Lines

Maaring kulang ang mga ito dahil hindi natin inabutan “in full” ang presentation.

Bago pa ang kaganapang ito, mayroon munang kaso ng African Swine Fever ang Occidental Mindoro na mula sa natagpuang patay na baboy sa Brgy. Sta. Lucia, sa bayan ng Sablayan.

FROM THE INSIDE:

Kinumpirma ito ng Provincial Veterinarian Office sa kanilang pagharap sa sesyong ng Sangguniang Bayan noong March 3, 2020.

February 18 noong kinuhanan ng sample ang namatay na baboy para sa analysis. Nakumpirma nga na may ASF ito. Pero hanggang sa kasalukuyan, hindi pa matukoy kung saan nanggaling ang baboy.

Dati nang isinara ang Oksi sa pagpasok ng mga baboy at produkto gawa o may halong karne ng baboy sa pamamagitan ng E0 34 ni Gov. Ed Gadiano. Pero noong Disyembre 2019, inilabas ang EO 34-A na muling nagbubukas sa Oksi sa pagpasok ng baboy dahil sa mataas na meat demand sa panahon ng Kapaskuhan.

Sa March 3 SP session, tinanong ni Bokal Jun Abeleda kung mayroon bang “time frame” ang EO 34-A o kung hanggang kailan ito ipatutupad.

Siya na rin ang sumagato ng kanyang tanong. “Wala”, sabi ni Bokal Abeleda.

Apektado na ang local hog raisers sa sobrang baba ng benta ng baboy mula Oriental Mindoro.

Ang aksyon? Pag-aaralan pa.

At narito na nga ang COVID-19.

Ang aksyon? Rekomendasyon at plano pa lang tulad ng mga nabanggit.

Ano ang “common” sa mga lalawigan ng MIMAROPA?

WALA PANG CONFIRMED CASE NG COVID-19.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.