Champion biker Gart Gaerlan, nagkortesiya kay Mayor Tria

Ilang araw matapos makabalik sa Mamburao mula Cebu kung saan nagwagi siya sa isang national competition, nagkortesiya at bumisita si Champion Biker Gart M. Gaerlan sa opisina ni Mayor Lyn Tria, June 25.

INSIDE STORIES

Si Gaerlan ay tinangghal bilang CHAMPION sa Age 19 Below Category ng Tuburan MTB Endurance Challenge 2021.

Ang nasabing competition ay bahagi ng PhilCycling National Trials For MTB 2021 na ginanap sa Danao City, Cebu noong June 11 – 13, 2021. Inorganisa ito ng PhilCycling – Integrated Cycling Federation Of The Philippines.

Para kay Mayor Tria, isang karangalan hindi lang sa bayan ng Mamburao, kundi sa buong lalawigan ng Occidental Mindoro, ang tagumpay na dala ni Gaerlan mula Cebu.

GART GAERLAN
Mayor Lyn Tria at Champion Biker Gart Gaerlan. June 25, 2021.

Nauna nang nagbigay tulong si Mayor Tria at LGU ng halagang P10,000.00 sa pag-alis ni Gaerlan patungo ng kompetisyon. Ang nasabing tulong ay para sa kanyang pamasahe sa eroplano.

Sa kanyang pagbabalik, muling nagbigay ng P20,000.00 si Mayor Tria bilang reward at pagkilala sa hirap at sakripisyo ni Gaerlan na lumaban sa nasabing kompetisyon dala ang pangalan ng bayan ng Mamburao.

Ayon sa kanyang Coach/Trainor na si Jonard Insigne, maraming bahagi ng bisekleta na ginagamit ni Gaerlan ay hiram lang mula sa mga kaibigang siklista sa bayan ng Mamburao. Malaking tulong aniya para makabili ng mas upgraded na kagamitan sa bisikleta ang natanggap na reward ni Gaerlan.

GART GAERLAN

Wala naman pagsidlan ng kagalakan si Mommy Suzette, mother ni Gaerlan, sa suportang ibinigay ng Mamburao LGU sa naging laban ng kanyang anak. Tanging si Mommy Suzette din ang nakasama ni Gaerlan sa buong panahon ng kompetisyon sa Cebu.

GART GAERLAN
Cameraman ng PTV4 habang kinukuan ng videoclip si Gart Gaerlan bilang bahagi ng kanilang panayam.

Ayon naman kay Gaerlan, malaki ang posibilidad na makasama siya sa susunod na Sea Games. Ito aniya ang kanyang paghahandaan para patuloy na makapagbigay karangalan sa Mamburao at sa lalawigan ng Occidental Mindoro.

Samantala, nagkataon naman na naroon din ang PTV4 para kapanayamin si Mayor Tria. Kaya naman hiningi na rin nila ang pagkakataon na makapamanayam din si Gaerlan at si Mommy Suzette.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.