Camurong at circumferential road, binisita ni Cong. Sato

Pinangunahan ni Congresswoman Josephine Ramirez Sato ang pagbisita sa ginagawang kalsada na bahagi ng proyektong Mindoro West Coastal Road kasunod ang diyalogo sa komunidad ng Camurong sa bayan ng Abra de Ilog, September 4.

Ang kalsada ay inaasahang magdudugtong sa lalawigan ng Occidental Mindoro at Oriental Mindoro.

FROM THE INSIDE:

IHAWAN SA BALAI NI EPHINE
Looking for Filipino cuisines? Visit Ihawan Sa Balai Ni Ephine Restaurant in Mamburao, Occidental Mindoro.

Sa kalagitnaan ng biyahe patungong Camurong ay bumaba ng sasakyan si Cong. Sato upang inspeksyunin ang mga bahagi ng kalsada na kasalukuyan pa ring ginagawa.

Mayroon itong habang 35 kilometro na kung matatapos ay siyang magsisilbing access road patungong Puerto Galera sa Oriental Mindoro.

CAMURONG ABRA DE ILOG
Grupo ng mangingisda sa Camurong kasama si Cong. Nene Sato at iba pa. September 4, 2020.

Matapos ito ay dumiretso na ang grupo sa komunidad ng Camurong para isang diyalogo at konsultasyon kasama ang iba’t ibang sektor at asosasyon na kinabibilingan ng mga magsasaka, mangingisda, kababaihan, kabataan, guro, barangay health workers, barangay officials at iba pa.

Sa proseso ng konsultasyon, inilatag at ipinaabot kay Cong. Sato ang kanilang pangangailangan at suliranin na kinakaharap. Sa kabuuan, lahat sila ay humihiling na matulungan na muling makapagsimula ng hanap-buhay na labis na naapektuhan ng pandemya.

BIYAHENG CAMURONG PABALIK NG ABRA DE ILOG

BIYAHENG CAMURONG PABALIK NG ABRA DE ILOGSeptember 4, 2020Konting paghihintay na lang at matatapos na ang kalsada ng Abra de Ilog na magdudugtong sa Oriental Mindoro. Malaking gawain pa ito, pero matatapos din. Tiwala lang mga tropa! 🙂 Panoorin ang buong video dito: https://www.youtube.com/watch?v=4Jk_K6ZvNxU

Posted by Philip Ramirez on Friday, September 4, 2020
Quick sneak peek sa daan mula Camurong pabalik ng Abra de Ilog, Occidental Mindoro. Source: Bokal Philip Ramirez. September 4, 2020.

Gaya na lamang ng asosasyon ng mangingisda na humiling ng lambat o payaw na maaari nilang ilatag sa karagatan ng Abra de Ilog. Nakatuwang naman ni Cong. Sato ang representative ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) upang ipaliwanag ang mga probisyon tungkol dito.

Ayon sa BFAR, mayroong mga restriction kung anong klaseng lambat ang maaring ilatag depended sa layo nito sa dalampasigan. Maari ding pagbasehan ang ordinansa ng pamahalaang bayan ng Abra de Ilog patungkol sa loob at labas ang nasasakupang municipal water.

Dito na rin inatasan ni Cong. Sato ang asosasyon na makipag-usap sa BFAR at Vice Mayor Boyet Quito para sa iba pang impormasyon. Ganun din ang tagubilin na agad silang mag-submit ng proposal para naman kanyang mapondohan sa susunod na taon.

Samantala, sa maikling programa na isinagawa kasama ang mamamayan ng Camurong matapos ang konsultasyon, muling ibinalita ni Cong. Sato ang tungkol sa kalsada na ginagawa sa kanilang lugar.

Aniya, naaprubahan ang West Mindoro Coastal Road noong panahon ni Presidente Aquino. Inilapit na rin aniya ito kay Presidente Duterte na kung maaari ay maipagpatuloy ang nasabing proyekto.

Pinagbigyan naman umano siya ni Pres. Duterte na nangako na tatapusin ang proyekto hanggang sa taong 2022 na kasabay din ng pagtatapos ng kanyang termino.

IN THE NEWS:

Hiniling din niya ang kaunti pang panahon para maayos din ang kalsada papasok ng Camurong. Sabi niya, hintayin lamang na makalapit na ang mga equipment sa lugar para masimulan na rin ang kanilang kalsada.

CAMURONG ABRA DE ILOG

Ayon naman kay Vice Gov. Peter Alfaro, malaki ang maitutulong ng proyekto para sa paglago ng ekonomiya at turismo ng Camurong. Kung matatapos aniya ang proyekto, magiging mabilis na ang transportasyon upang maibyahe ang mga produkto ng komunidad patungo sa ng iba’t ibang bayan ng Occidental at Oriental Mindoro.

Sa isang banda, siniguro ni Cong. Sato pararatingin niya sa Camurong ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at Department of Environment (DENR) upang matukoy na ang mga lugar para sa barangay roads, school buildings, plaza, barangay hall at iba pang istraktura. Nangako din siya na tutulong upang magkaroon na ng lupain para sa school building at barangay center kung saan naroon ang barangay hall at covered gym.

CAMURONG ABRA DE ILOG

Nabanggit din niya ang pagkakaroon ng pangalawang tangke para sa tubig ng komunidad na isa din sa mga natalakay sa konsultasyon. Sa tulong ni Vice Mayor Boyet Quito, papupuntahin sa Camurong ang water district ng Abra de Ilog upang tukuyin ang lugar na paglalagyan nito ganun din mga proseso para dito. Kailangan lang aniya na maibigay sa kanya ang magagawang program of works nito para naman kanyang mapondohan sa susunod na taon.

Kasama din sa pagbisita sa Camurong ang ilang miyembro ng Sangguniang Panlalawigan tulad nina Vice Gov. Peter Alfaro, Bokal Philip Ramirez, Bokal AJ Rebong at Bokal Jun Abeleda. Naging gabay naman ng grupo sina Vice Mayor Boyet Quito, Kon. Arleen Montenegro at Kon. Ariel Miciano.

CAMURONG ABRA DE ILOG

Bilang suporta ay nagtungo din sa lugar ang Mamburao Team na pinangungunahan ni Mayor Lyn Tria. Kasama niya ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan na kinabibilangan nina Kon. Raul Masangkay, Kon. Damsy Abeleda, Kon. Boy Mangeja, Kon. Fe Agoncillo Abeleda, Kon. Bito Alastre at Kon. Boy Olfato.

Sa pagtatapos ng programa ay nagpahayag ng pasasalamat ang lahat sa isa’t isa dahil nagkaroon ng pagkakataon ang komunidad ng Camurong na matugunan ang kanilang pangangailangan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.