Calapan City, nagtala ng 59 Covid-19 active cases

Sa pinakahuling ulat ni Calapan City, Oriental Mindoro Mayor Arnan Panaligan, September 6, mayroon nang limampu’t siyam (59) na aktibong kaso ng Covid-19 sa syudad.

Ang malaking bilang nito ay naitala noong September 4 kung saan dalawanpu’t pito (27) ang nagpositibo na karamihan ay mga Persons Deprived of Liberty (PDL) na naka-ditene sa Oriental Mindoro Provincial Jail na matatagpuan sa syudad.

FROM THE INSIDE:

IHAWAN SA BALAI NI EPHINE
Looking for Filipino cuisines? Visit Ihawan Sa Balai Ni Ephine Restaurant in Mamburao, Occidental Mindoro.

Sa bilang na dalawampu’t pitong (27) nagpositibo, labingsiyam (19) ay mga PDL. Pero ayon kay Mayor Panaligan, walo (8) lamang ang lehitimong taga-Calapan City habang mula naman sa ibang bayan ang karamihan. Naitala sila bilang kaso ng Calapan City dahil naroon ang Provincial Jail.

Sa kasalukuyan ay nailipat na sila sa bagong gawang Provincial Jail sa bayan ng Bansud.

CALAPAN CITY
Source: City Mayor Arnan C. Panaligan 0fficial Page. Click here to see original post.

Dagdag pa sa labing siyam ay ang iba pang walo na nagpositibo – isang 61 taong gulang na lalaki mula sa Brgy. Pachoca na close contact ng nauna nang nagpositibong kaso, isang 71 taong gulang na babae na taga Brgy. Ibaba East, at anim (6) na indibidwal na close contact ng isang matandang babae na isa ring positive case. Pumanaw na ang nasabing matandang babae.

Samantala, noong September 5 ay muling nagtala ang Calapan City ng walo (8) pang positibong kaso ng Covid-19.  

CALAPAN CITY
Oriental Mindoro Provincial Jail. Source: Romblon News

Sila ay ang mga nakatalaga sa City Health and Sanitation Department na isang cluster lang ng mga Health Staff ng City Government. Pito (7) sa kanila ang kasalukuyang nasa City Treatment and Isolation Unit habang ang isa ay naka-confine sa isang ospital.

Bandang hapon naman ng September 6 ay nadagdag pa ito ng isang 42 taong gulang na lalaki na mula sa Brgy. San Vicente South at nagtatrabaho sa isang private establishment. Kasalukuyan itong naka-confine sa isang ospital.

According to Occidental Mindoro Congresswoman Josephine Ramirez – Sato, the road connecting the Province of Occidental Mindoro from the Municipality of Abra de Ilog with Oriental Mindoro is expected to be completed by 2022.

Isinagawa na rin ang contact tracing para sa kanila.

Samantala, bagama’t umabot sa 19 ang nagpositibo noong September 4, malaking pasasalamat pa rin ni Mayor Panaligan dahil lahat sila ay nasa loob ng Provincial Jail.

Ganun pa man, paliwanag pa ni Mayor Panaligan, makikipag-ugnayan siya sa opisina ni Gov. Bonz Dolor upang hilingin ang pagsasagawa ng mga kaukulang pagbabago ng Sistema sa loob ng Provincial Jail upang matiyak ang kaligtasan ng mga preso at maiwasan pa ang pagkalat ng Covid-19 sa loob at labas ng Provincial Jail.

CALAPAN CITY
Oriental Mindoro Provincial Jail in the Municipality of Bansud. File photo from Oriental Mindoro PISD.

Umapela din si Mayor Panaligan na iwasan muna ang pakikisalamuha sa maraming tao, pagdalo sa mga handaan, at lumabas lamang ng bahay para sa mga importanteng kadahilanan. At kung may nararandaman ay agad na komunsulta sa doctor.

Sa kabuuan ay mayroon nang 172 confirmed Covid-19 positive cases ang Calapan City. Isandaan at animnapu’t apat (164) dito ay local cases habang ang walo (8) ay imported cases.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.