Calapan City, naglaan ng P25M pambili ng bakuna

Naglaan na ng paunang pondo na halagang P25 milyon si Mayor Arnan Panaligan ng Calapan City, Oriental Mindoro pambili ng bakuna laban sa Covid-19.

Ito ay matapos ang kanyang pakikipag-pulong sa iba pang City Mayors via teleconference nitong January 6, 2021.

asian zhey
Check out the newest food hub in Brgy. 7, Mamburao, Occidental Mindoro!

FROM THE INSIDE:

Si Mayor Panaligan ang tumatagyong Secretary General of the League of Cities of the Philippines (LCP) habang si Bacolod City Mayor Evelio Leonardia ang Presidente nito.

Sa nasabing pagpupulong, nakaharap din nila ang kinatawan ng AstraZeneca na isang Covid-19 vaccine manufacturer (Oxford-AstraZeneca ChAdOx1 nCoV-19 vaccine). Ang unang dose ng kanilang vaccine ay naibigay sa United Kingdom na tinanggap ng 82-anyos dialysis patient na si Brian Pinker, ayon sa BBC News.

Nagpahayag din ng kahandaan ang iba pang lungsod na bumili ng vaccine gamit ang sariling pondo.

Gabay sa paglabas ng Occidental Mindoro mula Mamburao, at pagbalik mula Batangas City.

Ganun pa man, hindi nila ito direktang mabibili mula sa manufacturer.

Sa panayam ng ABS-CBN News kay Mayor Panaligan, matapos ang pagpupulong League of City Mayors ay nakipagpulong na sila kay Pres. Rodrigo Duterte at pinayagan naman sila na makabili ng vaccine. Subalit kinakailangan ang tripartite arrangement sa pagitan ng national government, city government, at vaccine manufacturer.

Dagdag pa niya, tanging sa national government lamang maaring magbenta ang vaccine manufacturer.

“Salamat sa Pangulo, salamat sa national government at pinayagan tayo. Pero ganito ang sistema, tripartite arrangement. Meaning, arrangement ito ng national government, ng mga cities thru the League of Cities in the Philippines, at saka yung vaccine manufacturer. Kasi itong vaccine manufacturer ay hindi pala ito pwede magbenta directly sa mga LGUs, kailangan national government ang bibili.”

MAYOR ARNAN C. PANALIGAN

CALAPAN CITY
League of Cities of the Philippines’ Mayors sa kanilang teleconference meeting. January 6, 2021. Photo by Mayor Arnan Panaligan Facebook page.

Sa paglalaan ng pondo, layunin ni Mayor Panaligan na ‘upang mawakasan na ang pandemya sa mga lungsod’ upang makabalik sa normal ang ekonomiya at pag-aaral ng mga estudyante.

Sa huling update ng Calapan City, nasa labingwalo (18) ang kanilang aktibong kaso ng Covid-19 as of January 9, 2021. Nasa 724 naman ang kabuuang bilang ng naitala kaso, 713 dito ay local cases habang 11 ang imported cases.

Maging ang Puerto Princesa ay naglaan na rin ng P500 million para sa bakuna.

Samantala, narito ang ilang mga LGUs na naglaan na ng sariling pondo para din makabili ng bakuna laban sa Covid-19 mula sa report ng ABS CBN News at CNN Philippines:

  • P1 billion – Makati City
  • P1 billion – Quezon City
  • P1 billion – Taguig City
  • P500 million – Province of Eastern Samar
  • P500 million – Puerto Princesa, Palawan
  • P400 million – Cebu City
  • P300 million – Antipolo City, Rizal
  • P300 million – Bacolod City
  • P300 million – Pasig City
  • P300 million – Sta. Rosa City, Laguna
  • P200 million – Iloilo City
  • P200 million – Legazpi, Albay
  • P200 million – Malabon City
  • P200 million – Mandaluyong City
  • P200 million – Ormoc City, Leyte
  • P200 million – Zamboanga City
  • P250 million – Manila City
  • P250 million – Parañaque City
  • P250 million – Pasay City
  • P170 million – Muntinlupa City
  • P150 million – Cainta, Rizal
  • P150 million – Valenzuela City
  • P125 million – Caloocan City
  • P100 million – Biliran Province
  • P82.7 million – Marikina City
  • P50 million – Samar Province
  • P50 million – San Juan
  • P35 million – Borongan City, Eastern Saman
  • P30 million – Tacloban City
  • P20 million – Navotas City
  • P20 million – Province of Leyte
  • P10 million – Northern Samar
A look back at Bb. Mamburao 2017 swim suit pictorial.

IN THE NEWS:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.