Bottled Tuna Ng Sablayan

Hindi magtatagal ay matitikman na ang bottled tuna mula sa bayan ng Sablayan.

INSIDE STORIES:

Ito ay matapos magbigay ang Office of Municipal Agriculturist (OMA) ng Capacity Enhancement Training On Bottled Tuna Production na isinagawa sa Community Fish Landing Center, Sito Punta Poblacion.

Dinaluhan ang nasabing training ng mga kababaihan na miyembro ng SAMAKA SABLAYAN (Samahan ng Mangingisdang Kababaihan Sablayan).

BOTTLED TUNA SABLYAN

Bilang bahagi ng Livelihood Program ng Pamahalaang Bayan sa pangunguna ni Mayor Andy Dangeros, naisakatuparan ang training sa pangunguna ni MAO Elma Tamo, katuwang si Bureau of Fisheries and Aquatic Resources BFAR Regional Director Elizer S. Salilig at National Fisheries Research and Development Institute -FRDI.

Isa ang Sablayan sa kinikilalang tuna producers na bayan sa lalawigan ng Occidental Mindoro.

RELATED STORIES:

Matatandaan na noong February 8 ay lumagda ng Memorandum of Agreement ang SAMAKA kasama ang BFAR at NFRDI na nagbibigay sa kanila ng Php 1,050,694.56 para sa kanilang livelihood enterprise kung saan pangunahin dito ay ang bottled tuna.

Inaasahan na mapapalakas nito ang kabuhayan ng nasabing samahan.

Source: OMA Sablayan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.