Bong Go, umatras na sa 2022 Presidential race

Sa kanyang pahayag nitong Martes, November 30, opisyal nang sinabi ni Sen. Bong Go ang kanyang pag-atras o pag-withdraw ng kanyang kandidatura bilang Presidente ng Pilipinas sa 2022 election.

INSIDE STORIES:

Inisa-isa rin niya ang kanyang mga rason upang mabuo ang kanyang desisyon.

Narito ang kanyang naging pahayag:

‘Ayaw rin talaga ng aking pamilya, kaya naisip ko na siguro ay hindi ko pa po panahon sa ngayon. Diyos lang po ang nakakaalam kung kailan talaga ang tamang panahon po. Ayaw ko rin pong lalong mahirap si Pang. Duterte.

Higit pa po sa Tatay ang pagmamahal ko sa kanya. Matanda na po sya at maraming nang naibigay sa bayan kung kaya’t ayaw ko nang dagdagan pa ang kanyang problema. Nananatili akong tapat sa kanya nangako akong sasamahan ko po sya habang buhay. Yun po yung pinangako ko sa kanya noon pa man.

In the past few days, I realized that my heart and my mind are contradicting my actual actions. Talagang nagre-resist po ang aking katawan, puso, at isipan. Tao lang po ako na nasasaktan at napapagod din. Sa ngayon po, yun po yung mga rason ko. That is why I am withdrawing from the race.

Having said this, I leave my fate to God and to the Filipino people as I vow to do my best everyday. To serve selflessly and tirelessly. I am willing to make the supreme sacrifice for the good of our country and for the sake of unity among our supporters and leaders.’

Panoorin ang video ng kanyang pahayag. I-click dito.

Nag-iwan din s Sen. Bong Go ng habilin sa iba pang kumakandidato.

Sa mga nagnanais maging Pangulo at iba pang gustong magsilbi sa bayan, sana po ay unahin ninyo ang kapakanan at interes ng mga Pilipino.’

IN THE WEB:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.