Bokal Philip Ramirez: Saan dinadala ang umuuwing LSI?

Sa presentation ni Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer (PDRRMO) Mario Mulingbayan sa 57th Regular Session ng Sangguniang Panlalawigan, September 8, ng Provincial Covid-19 Response Update, natanong ni Bokal Philip Ramirez kung saan ba dinadala ang umuuwing Locally Stranded Individuals (LSI) kapag sila ay nasundo o nakasakay na ng van mula sa pier ng Abra de Ilog.

Ang katanungan ay bunsod ng mga reports na nakakarating sa kanya na may sinusundo sa Abra de Ilog Pier na pauwi ng mga bayan lampas ng Mamburao subalit ibinababa sa Mamburao Terminal para makasakay sa ibang van.

Ano po ba ang proseso at saan dinadala ang umuuwing LSI?

Ano po ba ang proseso at saan dinadala ang umuuwing LSI?57th Regular SessionSangguniang PanlalawiganSeptember 8, 2020

Posted by Philip Ramirez on Tuesday, September 8, 2020

FROM THE INSIDE:

IHAWAN SA BALAI NI EPHINE
Looking for Filipino cuisines? Visit Ihawan Sa Balai Ni Ephine Restaurant in Mamburao, Occidental Mindoro.

Maging ang mga driver ng van sa Mamburao ay ganito ang sumbong nang ipatawag sila ng Mamburao Municipal Inter Agency Task Force (MIATF) sa isang pagpupulong kaugnay ng pagsisimula ng kanilang biyahe nitong buwan ng Agosto 2020.

Anila, nababahala sila dahil nakakahalubilo sila ng lokal na pasahero, ganun din ay nagpupunta sila sa mga kainan sa van terminal. Hiling nila na kung maaari ay idiretso na sa bayang uuwian ang mga LSI kung sinusundo sa Abra de Ilog Pier.

BOKAL PHILIP RAMIREZ
Bokal Sonia Pablo. September 8, 2020.

Bago ang pagtatanong ni Bokal Philip Ramirez ay nauna nang ibinahagi ni Bokal Sonia Pablo ang nangyari sa kanilang bayan ng Rizal kung saan mayroong mga LSI na diretsong nakakauwi sa kanilang tahanan nang hindi nalalaman ng Municipal IATF na ikinababahala ng kanyang mga kababayan.

Ito ay dahil na rin sa pagtaas ng bilang ng LSI na nagpo-positibo sa Covid-19 nitong mga nagdaang linggo sa lalawigan ng Occidental Mindoro. Idagdag pa ang mga balita na mayroong mga nakakalusot na LSI nang hindi natsi-check ng Municipal Health Office (MHO) o Barangay Health Workers (BHW) / Barangay Health Emergency Response Team (BHERT) ang kanilang pag-uwi.

Dagdag tanong pa ni Bokal Philip Ramirez ay kung limitado ba ang bilang ng personnel kung kaya’t hindi natsi-check ang mga LSI.

BOKAL PHILIP RAMIREZ
Occidental Mindoro PDRRMO Mario Mulingbayan. September 8, 2020.

Sagot ni PDRRMO Mulingbayan, mayroon talagang pagkakataon na nangyayari ito dahil mayroon ding mga LSI na hindi sumusunod sa protocol. Aniya, ang uuwing LSI ay dapat munang makipag-coordinate sa uuwiang barangay na siya naman makikipag-coordinate sa LGU o MHO.

Paliwanag pa niya, iba-iba ang paraan ng mga LGU ng pagtanggap ng mga umuuwing LSI, o kung saan dinadala kapag sinusundo mula sa Pier.

Tulad na lang sa bayan ng Mamburao, Santa Cruz at Calintaan, inabisuhan aniya sila na dalhin alinman MHO at MDRRMO ang mga LSI, lalo na kung gabi, kung saan mayroong 24/7 na naka-duty.

Kung sa Sablayan naman ang uwi ng LSI, coordinated naman ito sa mga barangay. Ibababa umano ang LSI sa gabi sa kanto at doon na susunduin ng barangay kung ito ay sa area ng Elvita at Claudio Salgado.

Kapag araw naman ay sa municipal office extensions sa Brgy. Pag-asa at Brgy. Ligaya, o kaya ay sa bayan mismo ang dala.

Pagdating naman sa bayan ng Paluan, San Jose at Magsaysay, sa MDRRMO dinadala ang LSI na sila naming makikipag-coordinate sa mga barangay.

BOKAL PHILIP RAMIREZ
Bokal Philip Ramirez. September 8, 2020.

Dagdag pa ni PDRRMO Mulingbayan, mayroong nakakalusot na LSI dahil walang authority ang kanilang naka-deploy na team na “maghalungkat” ng nasa loob ng van o sumusundong sasakyan lalo na kung ang mga ito ay pribado. Isama na riyan ang national directive na tanging Highway Patrol Group (HPG) lamang ang may authority na mag-bukas o mag-inspect ng nilalaman ng mga sasakyan, lalo na ang mga dumarating sa pantalan ng Abra de Ilog.

So tama ang sabi ni Bokal Sonia na nung nakaraan ay may naka-puslit.

PDRRMO Mario Mulingbayan

Matatandaan na sa unang buwan ng pagpapatupad ng lock down kung saan ipinagbawal ang pag-uwi sa probinsya ng mga nasa Maynila ay mayroong isang lalaki na nag-selfie pa at nagsabi na nalusutan niya ang halos 25 check points sa daan dahil nagtago siya sa compartment ng truck na kanyang sinakyan.

Kasi ‘yan yung mga hindi bumababa. Dahil naranasan namin ‘yan previously, talagang may nasa loob ng truck van. Kaya nag-follow up na kami sa HPG na i-deputize si PNP.

PDRRMO Mario Mulingbayan

Dahil sa mga pangyayari, nag-gawa na rin umano sila ng mga MDRRMO ng group chat na kapag dumating sa pier ang LSI ay “naka-bato na agad kay Sablayan yung pangalan”, pati sa ibang bayan. Naka-monitor aniya sila hanggang sa makarating ang LSI sa barangay.

alcaide grilled burger
Thirsty? Visit ALCAIDE’S GRILLED BURGER AND MORE!

IN THE NEWS:

Dito, tinanong na rin ni Bokal Philip Ramirez na kung maaari ay maisama na rin ang Philippine Coast Guard sa i-deputize ng HPG dahil naroon din sila sa Pier.

Kung papayagan po nil ana pati ang Coast Guard ay ma-deputized, walang masama po Bokal kung ide-deputize po ng HPG.

PDRRMO Mario Mulingbayan

Sa side interview kay Bokal Ramirez matapos ang session, sinabi niya “karagdagang manpower pa rin ang Coast Guard para mas matulungan ang Provincial Team na ma-inspect ang mga sasakyan”.

Konti lang ang ating HPG. Pag ganito, kailangan din natin talaga ang kooperasyon ng barangay. Alam naman natin na alerto sila sa mga dumarating sa kanilang lugar. Let’s just hope na wala na tayong LSI pa na mag-positive sa Covid-19, dahil malaki rin ang nagagastos ng ating mga LGU sa ginagawang contact tracing at pagpapadala ng mga swab specimen either sa Red Cross o sa RITM.

Bokal Philip Ramirez

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.