Bio Composting Facility ng Mamburao, dumating na

Masaya na ipinakita ni Mayor Lyn Tria ang dumating na mga garbage shredders o Bio Composting Facility tulad ng plastic at biodegradables. October 19.

Kasama rin sa mga equipment ang panghulma ng hallow blocks kung saan mga dinurog o na-shred na plastic ang magiging pangunahing component.

FROM THE INSIDE:

ALCAIDE'S GRILLED BURGER AND MORE
Hungy? Visit Alcaide’s Grilled Burger and More at Mamburao, Occidental Mindoro

Ayon kay Mayor Tria, ang biniling mga equipment ay bahagi ng Mamburao 10-Year Solid Waste Management Plan na aprubado ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ilang taon na ang nakakaraan.

Samantala, ayon naman kay designated MENRO at Budget Officer Shella Cabrera, patuloy pa rin na ipatutupad ang “No Segregation, No Collection Policy” dahil mayroon lamang partikular na klase ng basura ang tatanggapin ng mga equipment upang iproseso.

BIO COMPOSTING FACILITY MAMBURAO
BIO COMPOSTING FACILITY MAMBURAO

Hindi pa rin umano maaari ang halo-halo o sama-samang basura sa iisang lalagyan.

Dagdag pa ni Mayor Tria, mayroon pang equipment na bibilhin tulad ng pang-shred ng iba pang basura. Inuna muna ang para sa plastics at biodegradables dahil ito ang malaking bahagi ng basura na nakokolekta.

Hinihingi din niya ang pakikiisa ng mamamayan dahil hindi kakayanin ng pondo ng pamahalaang bayan ang sabay-sabay na pagbili ng shredder para sa lahat ng uri ng basura. Ganun pa man, siniguro niya taon-taon ay maglalaan ng pondo para makaipon ng pondo para sa mga ito.

BIO COMPOSTING FACILITY MAMBURAO
BIO COMPOSTING FACILITY MAMBURAO

Ang Bio Composting Facility ay pansamantalang ise-set up sa Manijot Building sa Brgy. Tayaman dahil ito lamang ang pasilidad ng LGU na mayroong “three phrase” na kuryente” na kailangan upang mapagana ang mga ito.

Mayroon pa rin umanong hinihintay na component nito bago masimulan ang dry run ng operasyon nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.