BDRRM Plan ng Tangkalan, pasado

BDRRM Plan o ang Barangay Disaster Risk Reduction Management Plan ang nagsisilbing bibliya kung paano paghahandaan ang mga kalamidad sa barangay level.

Sa mga nagdaang linggo, naging abala ang Mamburao Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) sa pagbisita sa iba’t ibang barangay upang rebisahin ang kanilang Barangay Disaster Risk Reduction Management Plan. At isa ang Brgy. Tangkalan na sumailalim sa pagsusuri.

From The Inside:

Kasama ang iba pang opisina tulad ng MSWDO,MPDO at DILG-MLGOO, ni-review ang inihandang BDRRM Plan ng pamunuan ni Kap. Benchito Umali at Sangguniang Barangay gamit ang Quality Assurance System.

Sa proseso, natamo ng Tangkalan ang 32 puntos mula sa kabuuang 35 katapat ang kulay green o high quality level. Sa kabuuan, kinokonsidera na maayos at mataas na kalidad ang mga nakalbalangkas na gawain at programa na nilalaman ng Tangkalan Barangay Risk Reduction and Management Plan.

Ang ginagawang pag-tasa sa BDRRM Plan ay kinapapalooban ng 9 na elementong kinakailangan alinsunod sa mandato ng RA 10121 – ang Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010, at iba pang polisiyang may kinalaman dito. Bawat elemento ay may kaakibat na Quality Benchmarks (QBs) at merong kanya-kanyang katangian na kinakailangan nakapaloob sa BDRRM Plan.

Dahil sa nakuhang grado, nagpaabot ng pasasalamat si Kap. Benchito Umali sa lahat ng naging bahagi ng pagbuo ng kanilang BDRRM Plan.

“Nagpapasalamat ako sa lahat ng mga tao at samahang kinabibilangan ng ibat-ibang sektor sa ating barangay na kasapi ng Barangay Disaster Risk Reduction Management Council (BDRRMC) na nasa likod ng natamong resulta ng ating barangay dahil sa kanilang pakikipag-tulungan at pakikiisa ay nakapag tala tayo ng mataas na puntos sa nakalipas na BDRRM Plan Quality Assessment. Ang ating napag-tulongan gawain ay bahagi lamang ng kabuuang BDRRM Plan, sa susunod na buwan ng Nobyembre ay muli tayong magsasama-sama upang gumawa ng mga patakaran at polisiya ng mga natukoy na programa“.

Unang bahagi pa lamang ng preparasyon para isang komprehensibong BDRRM Plan ang ginawang assessment ng MDRRMO. Bagama’t nakapasa ang Brgy. Tangkalan, susundan naman ito ng pagbalangkas ng kaukulang patakaran at polisiya.

Ang ating napag-tulongan gawain ay bahagi lamang ng kabuuang BDRRM Plan, sa susunod na buwan ng Nobyembre ay muli tayong magsasama-sama upang gumawa ng mga patakaran at polisiya ng mga natukoy na programa“, dagdag ni Kap. Umali.

At dahil may susunod pang gawain, muli niyang hiniling ang kooperasyon ng Sangguniang Barangay.

“Sa pamunuan ng Barangay Tangkalan, mula sa inyong lingkod, ako ay nagpapasalamat sa inyong lahat!  Patuloy kong hinihiling sa ating mga Barangay Kagawad ang 100% na pakikipagkaisa at pagsuporta sa mga gawain lalona’t higit kung ito ay para sa ikabubuti ng mamamayan ng ating barangay.”

___________

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.