Barangay 8, humiling ng medisina para sa barangay

Barangay 8 ang kauna-unahang barangay na pinagdausan ng Joint Session kasama ang Sangguniang Bayan ng Mamburao, September 9. At kinuha nila ang pagkakataon na maipaabot at maaprubahan ang kanilang pangangailangan.

Pondo para sa medisinang pangkalusugan ng Barangay 8.

Sa mungkahi ni Sangguniang Barangay Committee on Health Chairman Kagawad Restituto Dayto, ito ang hiniling ng pamunuan ng Barangay 8 na mapagbigyan ng Sanggunaing Bayan ng Mamburao.

FROM THE INSIDE:

alcaide grilled burger
Thirsty? Visit ALCAIDE’S GRILLED BURGER AND MORE!

Sa isinagawang Joint Session ng kanyang Council at Sanggunaing Bayan, sinuportahan naman ito ni Barangay Kapitan Jojie Rabina.

Ayon sa kanya, dahil sa dinanas na pandemic, tulad ng mga Konsehal ng bayan, marami din ang lumalapit sa kanliang pamunuan upang humingi ng tulong pinansyal pambili ng gamut. Dagdag pa niya, halos wala na rin silang mapagkunan ng pondo kung kaya’t inilalapit nila ito sa Sangguniang Bayan.

BARANGAY 8
Joint Session ng Mamburao Sangguniang Bayan at Sangguniang Barangay ng Brgy. 8. September 9, 2020.

Mr. Chairman, nais ko pong ipagbigay alam po, kaya nga po nabanggit na iyong sa medicine po pangangailangang pangkalusugan ng aming barangay, bagama’t po ay dumaan po yung pandemic, ang barangay po sa kasakuluyan ngayon ay wala po kaming pagkukuhanan ng pondo. Kung marami po sa inyo ang dumadating at humihingi ng tulong pinansyal, ganun din po dito sa aming barangay. Sa panahon po sa ngayon, talaga po ubos na ubos na kami. Kaya nga po nagmungkahi ang aming Committee on Health na sana po ay magawan ng resolusyon na magkakaroon po ng budget para sa medisina po ng barangay. Maraming salamat po.

Kap. Jojie Rabina, Barangay 8

Matapos ito, nagtanong naman si Kon. Boy Maneja kung anong particular na mga gamut ng kailangan nila. Maaari naman itong ilapit sa Municipal Health Office para din sa tamang paggabay kung ano ang nararapat na gamot para sa isang may karamdaman.

BARANGAY 8 RESTITUTO DAYTON
Barangay 8 Kagawad Restituto Dayto. September 9, 2020.

Dapat po ito ay sinu-supervise ng doktor o nurse. Kasi po pag nagkamali tayo ng pagbibigay ng gamot ay maaring makapinsala pa sa ating mga kabarangay.

Sinusugan naman ni Vice Mayor Joel Panaligan ang suhestyon ni Kon. Boy Maneja. Aniya, dapat na makipag-usap kay Municipal Health Officer Dr. Paul Mark Rasing at magbigay ng lista ng mga gamot na kadalasang hinihingi ng mga taga barangay.

BARANGAY 8 JOJIE RABINA VICE MAYOR JOEL PANALIGAN
Vice Mayor Joel Panaligan. September 9, 2020.

Sa isang banda, tinanong ni Kon. Damsy Abeleda si Kon. Maneja bilang SB Chairman ng Committee on Finance kung saan pwedeng kunin ang pondo ng barangay para sa gamot. Kwento pa ni Kon. Abeleda, mayroon siya nakausap na dating Kapitan ng Brgy. 6 na sa panahon ng kanyang panunungkulan ay naglalaan sila ng pondo para pambili ng gamot.

Sagot ni Kon, Maneja, maari itong kunin sa Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) ng barangay. Ibinahagi na rin niya ang practice ng ibang barangay na nakikipag-partner sa isang botika kung saan libreng makakakuha ng gamot ang nangangailangan sa abot ng makakaya ng pondo na inilagak ng barangay mula sa kanilang MOOE. Muli ay inulit niya na dapat ay may sapat na kaalaman sa tamang gamot na ibibigay kung kaya’t makabubuti din na sa botika ito padaanin.

BARANGAY 8 BOY MANEJA
Kon. Boy Maneja. September 9, 2020.

Suhestyon naman ni Vice Mayor Panaligan, kung sakaling maglaan ng pondo, maari umano itong hatiin sa bawat Kagawad upang lahat sila at magkaroon din ng pagkakataon na makatulong sa kapwa pagdating sa usaping pangkalusugan. Kinakailangan lamang ang mahigpit na pagsubaybay sa pamamagitan ng isang ledger upang masiguro ang tamang paggamit ng pondo. Pero sa huli ay kinatigan pa rin inya si Kon. Maneja na maaring maglaan ng pondo mula sa kanilang MOOE.

Paliwanag naman ni Kagawad Nena, ganito na rin ang kanilang ginawa noong nagdaang taon. Naglaan umano ang pamunuan ng Brgy. 8 ng halagang P25,000.00 para sa gamot at nakipag-tie up sa isang botika.

IHAWAN SA BALAI NI EPHINE
Looking for Filipino cuisines? Visit Ihawan Sa Balai Ni Ephine Restaurant in Mamburao, Occidental Mindoro.

Subalit dahil sa dami ng humingi, naubos na ang nasabing pondo, kung kaya’t napagkasunduan nila na ilapit ito sa Sangguniang Bayan na maayudahan ng karagdagang pondo.

Muli ay nagtanong si Kon. Abeleda kay Kon, Maneja kung maaari ba itong mapagbigyan sa pamamagitan ng resolusyon o iba pang pamamaraan. Ani Kon. Maneja, maari naman itong ibawas sa pondo para sa Financial Assistance ng Sangguniang Bayan. Ipagbibigay alam din muna ito kay Municipal Budget Officer Shella Cabrera para naman malaman ang tamang proseso at availability ng pondo.

BARANGAY 8 DAMSY ABELEDA
Kon. Damsy Abeleda. September 9, 2020.
BARANGAY 8
Kagawad Nena. September 9, 2020.

Sa huli ay inaprubahan ng Sangguniang Bayan ang kahilingan ng Brgy. 8. Subalit kung hindi man agad ito mapagbigyan sa taong kasalukuyan depende sa availability ng pondo, maari naman anila itong pondohan para sa susunod na taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.