Arawatan Festival 2020, opisyal nang binuksan

Magkakasama sina Cong. Josephine Ramirez Sato, Gov. Ed Gadiano, Vice Gov. Peter Alfaro, Sangguniang Bayan members, department heads at iba pang mga bisita na binuksan ang pagsisimula ng Arawatan Festival 2020 bilang bahagi ng selebrasyon ng 70th Founding Anniversary ng Occidental Mindoro, November 15.

Sinimulan ang umaga sa pamamagitan ng pagdadaos ng isang misa sa na isinagawa ni Msgr. Karl Dimaano sa Capitol Training Center.

FROM THE INSIDE:

alcaide grilled burger
Thirsty? Visit ALCAIDE’S GRILLED BURGER AND MORE!

Sinundan ito ng maikling program sa open court kung saan nagbigay ng kanilang mensahe sina Vice Gov. Peter Alfaro, Cong. Josephine Ramirez Sato, at Gov. Ed Gadiano.

Sa mensahe ni Cong. Sato, sinabi niya bagama’t maraming suliranin at kalamidad ang kinaharap ng lalawigan, hinahangaan naman aniya ang pagiging matatag ng mamamayan.

The people of Occidental Mindoro will remain undaunted. We remain more united.

Aniya, ngayon taong 2020 lamang nakaranas ang mamamayan ng lalawigan ng sunod-sunod na pagsubok. Ganun pa man, kung dumadami man ang pagsubok, lalo namang nagiging determinado ang ang mamamayan ng Occidental Mindoro at patuloy na babangan mula sa mga pagsubok.

More challenges, more determination, more proof that the people of Occidental Mindoro shall emerge as victors, as survivors.

Cong. Josephine Ramirez Sato.

Samantala, para naman kay Gov. Ed Gadiano, dalawang bagay ang dapat ipagdiwang na bukod sa Arawatan Festival 2020 70th Anniversary ay ang pagiging ‘zero Covid-19 active case’ ng lalawigan ng Occidental Mindoro simula pa kahapon, Novemer 14.

Aniya, natapos na kahapon ang ika-10 araw ng quarantine ng isang pasyente mula sa bayan ng Sablayan. At dahil walang ipinakitang sintomas sa loob ng quarantine period, maari na itong ideklara sa recovered patient ayon na rin sa Guidelines ng DOH.

Mas higit pa umano nitong pinaningning ang selebrasyon ng Arawatan Festival 2020.

ARAWATAN FESTIVAL 2020
Gov. Ed Gadiano

Ibinalita din niya ang opisyal na pagbubukas ng turismo ng lalawigan para sa mga local at foreign tourists. Ganun pa man, idadaan ito sa pormal na pamamaraan kung kaya’t magkakaroon pa ng pagpupulong ngayong hapon kasama ang mga Municipal Mayors/representatives.

Layunin aniya nito na matukoy ang mga pamamaraan upang maisakatuparan ito.

ARAWATAN FESTIVAL 2020
Congw. Josephine Ramirez Sato.

Ipinagmalaki din niya ang naging resulta ng virtual tourism tour na isinumite ng mga munisipalidad. Dagdag niya, hindi na kailangan pang pumunta sa ibang lalawigan dahil sa Occidental Mindoro pa lamang ay maraming nang mapupuntahan at dapat umanong tangkilikin ang sariling likas na yamang turismo.

Sa isang banda, bagama’t hindi pa nakakabiyahe ang mga provincial bus sa lalawigan, matagal na naman aniyang nagkakaroon ng pag-alis at pagdating ng eroplano lalo na sa airport sa San Jose. Senyles umano ito na bukas ang lalawigan sa mga turista.

ARAWATAN FESTIVAL 2020
Vice Gov. Peter De Jesus Alfaro

Habilin pa niya hindi dapat katakutan ang mga foreign tourists dahil bago pa man sila makapasok sa Pilipinas ay dumaan na sila sa mga tests na magdedeklara na ligtas na sila ay mag-travel sa bansa o sa lalawigan. Mas may pag-aalinlangan pa umano ang mga foreign tourists dahil hindi lahat ng mamamayan ng lalawigan at na-swab test.

Sa huli ay hinikayat niya ang lahat ng magkaisa, magsama-sama, at magtulong-tulong upang higit pang mapatatag ang lalawigan ng Occidental Mindoro. Ito rin sana ang maging esensya ng Arawatan Festival 2020.

ARAWATAN FESTIVAL 2020
Releasing of anniversary doves.

Naroon din sa programa ang mga Board Members na sina Bokal Philip Ramirez, AJ Rebong, Diana Apigo Tayag, Edwin Mintu, Jun Abeleda at iba pa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.