Ano ang HB 267 Final Forestland Boundary para sa Oksi?

Sa final forestland boundary, maari nang mare-classify ang bahagi ng kabundukan para mapatituluhan ng nakatira dito.

Noong November 13, sinabi ni Cong. Josephine Ramirez – Sato sa kanyang Facebook page post na ang kanyang inihain na House Bill 267 na may titulong “An Act Establishing the Final Forest Land Boundary of the Province of Occidental Mindoro” ay aprubado na ng House Committee Natural Resources.

Habang sinusulat ang artikulong ito, ang nasabing post ay mayroon nang 67 shares, 15 comments mula sa dalawang netizen na nag-uusap, at 263 reactions. Kung pagbabasehan ang ang kahalagahan ng HB 267, maliit ang mga nabanggit na numero.

In the news:

forestland boundary

Pero ano nga ba ang HB 267 ni Cong. Sato?

Sa pagsusumite ng kanyang HB 267, ipinaliwanag ni Cong. Sato na “the Bill seeks to reclassify various parcels of forest lands in Occidental Mindoro as alienable and disposable consistent of the provisions of Public Land Act”.

The undefined forest boundary delineation hampers the effective implementation of forest management in the Philippines. Currently, around 15 million hectares of the country’s land area have already been classified as permanent forest. However, many of these forest areas are not yet delineated on the ground, making it hard for forest administrators and actual field managers to promote with authority various government forest development thrusts as well as define forest areas of production and protection.

Congressional Policy And Budget Research Department

Ang parcels of forest lands na ito ay may kabuuang area o aggregated area na 1,930 hectares at matatagpuan sa iba’t ibang munisipalidad tulad ng Lubang, Mamburao, Rizal, Sablayan, San Jose at Magsaysay.

Para saan naman at bakit nais ni Cong. Sato na ma-reclassify ang mga lupang ito?

FORESTLAND BOUNDARY

Sa explanatory note ng HB 267, sa pamamagitan ng final forestland bounday, kung ma-reclassify ang nabanggit na lupain, maari na itong mapatituluhan o maaplayan para mapatituluhan ng mga kasalukuyang nakatira dito alinsunod sa mga kondisyon ng mga batas na may kinalaman, ganun din sa mga itinatakda ng HB 267.

The bill will declare these lands open for disposition to enable the present occupants of the land to qualify to apply for land titles under conditions and limitations provided for int he bill and existing laws.

Cong. Josephine Ramirez – Sato

Karagdagan pa sa hinahangad ng forestland boundary oara sa pag-reclassify ng lupa ay mga sumusunod:

Paliwanag pa ni Cong. Sato, ang kanyang HB ay alinsunod sa mandato ng gobyerno “to strike a balance between social justice, poverty alleviation, protection and conservation of the critical resources”.

I-click dito para sa kabuuan ng HB 267.

__________

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.