SK Chairman ng Ambulong na nanawagan ng tulong, nag-public apology

Araw ng Biyernes, May 1, nagpost ang SK Chairman ng Brgy. Ambulong, San Jose, Occidental Mindoro na si Ricardo S. Indap ng panawagan at humihingi ng tulong para sa kanyang ka-barangay.

Sa post ni SK Chairman Indap sa Facebook account na Barangay Ambulong, sinabi niya na “marami na ang walang makain” kung kaya’t himihingi siya ng tulong.

FROM THE INSIDE

Ako po ay nanawagan sa mga bukas ang kalooban dyan na tulungan nyo ang aking mga kabarangay sa isla kahit kunting ayuda lang marami na ang walang makain kahit kunting tulong po. Maraming tao lumalapit skin na cla daw ay wla na mkain Sana may pumansin itong post ko. Salamat po!

AMBULONG SAN JOSE RICARDO INDAP PUNTO MINDORO

Marami ang nag-kumento ay nagbigay nagpahayag ng suporta sa kanyang panawagan.

Pero makalipas lang ang halos isang araw, Linggo, nawala ang kanyang post ng panawagan at napalitan ng isang public apology.

Diretsong nagpakilala si Ricardo S. Indap na siyang nag-create ng Facebook account na Barangay Ambulong at humihingi ng tawad sa publiko sa kanyang naging panawagan.

Sa kanyang paliwanag, humihingi siya ng tawad sa pag-create niya ng Barangay Ambulong Facebook ng walang kapahintulutan mula kay Kapitan Nicanor E. Torres.

Itinanggi din niya na mayroong nagugutuman sa kanilang barangay na isla ng Ambulong.

Dagdag pa niya, ipinatawag siya ng council at napagkasunduan na kinakailangan niyang mag-public apology. Kasunod nito ay ang pag-delete ng Barangay Ambulong Facebook account matapos ang dalawang araw ng kanyang public apology.

Magandang Araw po! Ako po si Ricardo S, Indap taga barangay ambulong san jose occidental mindoro. ako po ay lubos na humihingi ng tawad sa aking nagawang post tungkol sa aking mga kabarangay na may nagugutuman.

ako po ang nagcreate ng fb account na ito na wlang kapahintulutan sa buong barangay council sa pangunguna ng aming kapitan Nicanor E. Torres. lubos po ang aking pagsisi sa maling post ko, hindi ko po intensyon na ipahiya ang buong council at buong barangay.

sa lahat pong nakabasa sa DILG, DSWD ng post ko at nagshare po, hindi po totoong may nagugutuman sa isla ng ambulong. sa harapo ng po ng council ako po ay pinatawag upang harapin ang isyung ito, akay ang naging mungkahi po nila mag public apology po ako dito sa ginawa kung fb account para linisin po ang imahe ng aming barangay dahil sa ginawa kung post po.

at sa loob po ng dalawang araw ng aking publi apology ipinapangako ko po na akin na itong idelete ang fb account na ito at diko na po uulitin ang ginawa kugn ito. Muli ako po si Ricardo S. Indap, humihingi ng sorry saking nagawang kasalanan.

RICARDO S. INDAP
AMBULONG SAN JOSE RICARDO INDAP PUNTO MINDORO

Matapos ang ilang oras ng kanyang public apology, mabilis na umani ito ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizen.

Sa oras na sinusulat ito ay umabot na sa 130 ang kumento ng netizens, habang 63 naman ang reactions.

Narito ang naging palitan ng opinyon ng mga netizen:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.