Truck, muntik nang mahulog sa Abra De Ilog Port

Ang Abra de Ilog Port ang nagsisilbing entry point ng halos lahat ng sasakyan na pumapasok sa Occidental Mindoro.

Tuwing Undas, dagsa ang dami ng tao at mga sasakyan na umuuwi sa Occidental Mindoro mula sa iba’t ibang lugar. Dahilan upang halos wala nang pahinga ang mga barko ng Montenegro Shipping Lines at Orange Navigation.

FROM THE INSIDE:

At dahil walang tigil, walang puknat ang pressure na tinatamasa ng rampahan ng mga barkong ito na maaring magresulta ng isang trahedya.

Posted by Pdrrmo Occidental Mindoro on Thursday, November 1, 2018

Kaninang hapon, ayon sa Facebook post ng Occidental Mindoro PDRRMO, muntik nang mahulog ang isang truck na sumasakay sa Baleno Otso matapos bumigay ang rampa nito.

Sa mabilis na aksyon ng PPA Management, PDRRMO Responder, AFP, PCG, PNP at iba pang personnel mula sa pantalan, naiwasan na tuluyang mahulog ang nasabing truck.

Mayroon itong plate number na ACO 7622.

Nagbigay ng paalala ang pamunuan ng PDRRMO at PPA na maging maingat upang maiwasan ang mga ganitong insidente.

Source: PDRRMO Occidental Mindoro

_________

(To be updated)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.