Abra De Ilog Barangay DRRM Committee, dumaan sa pagsasanay

Abra de Ilog ang nagsisilbing gateway ng Occidental Mindoro. At maaring ito rin ang unang tamaan ng kalamidad mula sa kabilang rehiyon ng hindi inaasahan.

“Disaster are like thieves in the night.”

Ito ang naging panuntunan ng pamahalaang bayan ng Abra De Ilog, Occidental Mindoro upang isailalim sa pagsasanay ang mga bumubuo ng Disaster Risk Reduction Management (DRRM) Committee ng kanyang nasasakupang barangay sa pagsasagawa ng “Basic DRRM For Barangay DRRM Committee Orientation Workshop na kasalukuyang ginaganap sa Hotel Pontefino, Batangas City.

FROM THE INSIDE:

Sa talumpati ni Abra De Ilog Mayor Meg Constantino, sinariwa niya ang naranasang pagbaha na dala ng bagyong Josie noong July 23. Malimit din umanong daanan ang bagyo ang Abra De Ilog at sa kanyang halos 20 taong panunungkulan ay hindi pa niya naranasan ang pagbaha tulad ng huli. Dagdag pa riyan ang malaking bukana ng Brgy. Wawa na siya ding lagusan ng tubig patungo sa dagat ng Occidental Mindoro.

https://www.facebook.com/pio.abradeilog
Abra de Ilog MDRR Officer Geof Panganiban.

“So iyon po ang mga settings kung saan tayo ay nandito ngayon para armasan ang bawat sarili kung paano tayo kikilos. Una sa paghahanda, kung wala pang sakuna, ano bilang mga opisyales ng barangay ang dapat nating gawin habang wala pa ang ulan, bagyo, earthquake… ano ang mga kailangan nating gawin.”

ABRA DE ILOG BDRRM

Ayon pa sa kanya, ang pagtugon sa kalamidad ay hindi lamang responsibilidad ng punong barangay. Lahat umano ng opisyales ay may tungkulin na gagampanan upang mapanatili ang kaligtasan ng bawat isang mamamayan ng barangay. Inihalintulad din niya ito sa sistema ng kanyang pamamahala bilang Punong Bayan.

“Ngayon po ang ating leadership ay hindi isang tao kundi isang konseho na lahat kayo ay kabilang doon, katulad din po ng ginagawa namin sa munisipyo. Hindi po ako lang, hindi po si Vice Mayor lang. Isa po kaming team na magmimeeting-meeting at ganito ang aming kanya-kanyang responsibilidad pag usapin ng sakuna.”

Una nang nagsalita si Vice Mayor Boyet Quito kung saan binigyang paglilinaw niya kung paano ginagamit ang Calamity Fund. Dagdag pa niya, ang anumang pagkilos na pamahalaang bayan na may kinalaman sa paggamit ng Calamity Fund ay sa pamamagitan ng resolution na dapat ding ina-adopt ng barangay.

Sa pagsisimula pa rin ng workshop, bilang hepe ng ADI Municipal Risk Reduction Management Office, inisa-isa ni Geof Panganiban ang tatlong pangunahing “objective” ng workshop. Aniya, bago pa man dumating ang bagyong Josie, matagal na rin umanong nakaplano ang nasabing seminar. Sa di inaasahang pagkakataon, naunahan ng pagdating ni Josie ang pagsasagawa nito. Ganun pa man, naniniwala siya na malaki pa rin ang maitutulong ng nasabing workshop dahil bibigyang kapasidad nito ang mga nasa barangay level na tumugon sa pangangailan tuwing may kalamidad.

ABRA DE ILOG BDRRM
Abra de Ilog Vice Mayor Boyet Quito

Bilang suporta naman ng Pamahalaang Panlalawigan ng Occidental Mindoro, ipinadala nila si Provincial Disaster Risk Reduction Officer Mario Mulingbayan na nagbigay ng lecture tungkol sa mas malaking perspektibo ng disaster management. Sumentro ang kanyang lecture sa mga probisyon ng Philippine Disaster Reduction And Management Act (R.A. 10121).

Sa panayam, sinabi niya na maging ang pamunuan ng Panlalawigang Pamahalaan ay natutuwa sa naging hakbang ng Abra de Ilog na bigyang kasanayan ang mga barangay officials sa larangan ng disaster risk reduction and management.

https://www.facebook.com/orlandoboyet.quito.3
Abra de Ilog Mayor Meg Montenegro Constantino

“Mukhang una ito sa probinsya ng Occidental Mindoro. At sana sundan na rin ito ng ibang munisipalidad. Kaya nasisiguro natin ang suporta nina Congw. Nene Sato, Gov. Gene Mendiola, at Vice Gov. Peter Alfaro sa mga ganitong programa. Dyan di tayo bilib sa pamunuan ng Abra de Ilog.”

Ayon sa kanya, nakapaloob sa R.A. 10121 kung paano pangangasiwaan ang disaster risk, pagpapababa ng bulneridad ng isang bayan o kumunidad, at kung paano ang tamang pagtugon sa panahon ng kalamidad.

https://www.facebook.com/orlandoboyet.quito.3
Occidental Mindoro Provincial Risk Reduction Management Officer Mario Mulingbayan.

Binigyan linaw din niya ang pagkakaiba ng P.D. 1566 na unang sinusunod na batas pagdating sa kalamidad, kumpara sa R.A. 10121. Sa P.D. 1566, nakatutok lamang ito sa pagtugon sa panahon na kalamidad kung saan nakasentro ang kapangyarihan ng pagkilos sa pamahalaan. Samantalang sa R.A. 10121, mangunguna sa pagkilos ang pamahalaang lokal sa pamamagitan naman ng partisipasyon ng iba’t ibang sektor o ang tinatawag na “bottom-up and participatory disaster risk reduction”.

ABRA DE ILOG BDRRM

Ang R.A. 10121 ay binibigyang diin ang apat na aspeto ng pagtugon sa kalamidad. Ito ay ang disaster preparedness, disaster prevention and mitigation, disaster response, at disaster rehabilitation and recovery.

Sa proseso, inihalintulad din niya ang biglaang pagbuhos ng ulan sa Metro Manila na nagresulta ng malaking pagbaha at ang naging pananalasa ng bagyong Josie sa probinsya ng Occidental Mindoro.

ABRA DE ILOG BDRRM

Aniya, ang mga ganitong kaganapan ang pangunahing dahilan kung bakit mahalaga na ang mga barangay ay mabigyang kakayanan sa aspeto ng pagtugon sa pangangailangan ng mamamayan sa panahon ng kalamidad. Wala umanong pinipili ang kalamidad at walang kasiguraduhan kung kailan ito darating sa isang bayan o probinsya.

Idinagdag din niya ang kanyang naging karanasan bilang PDRRMO sa panahon ng bagyong Josie. Marami umano siyang natutunan dito na dapat na mabigyang solusyon. Aniya, dumating sa pagkakataon na halos wala siyang magawa para sa mga bayan na humihingi ng tulong noong kasagsagan ng bagyong Josie dahil maliban sa mataas na tubig ng pagbaha, may mga naputol din na tulay. Sa ganitong pagkakataon, tanging mga barangay officials  na lang ang maaasahan ng kanilang mga ka-barangay.

Kaya’t napapanahon umano ang workshop na isinasagawa ng bayan ng Abra de Ilog. Dagdag pa niya, sadyang napakahalaga ng papel na gagampanan ng mga barangay officials pagdating sa disaster risk reduction and management.

Sinabi din niya na, kasama ang mga LDRRMO ng lahat ng munisipalidad ng Occidental Mindoro, pupunta sila sa Kongreso sa opisina ni Congresswoman Josephine Ramirez – Sato upang magbigay ng mungkahi sa iba pang probisyon sa maaring isama sa bagong batas na pag-uusapan sa Kongreso tungkol sa disaster risk reduction and management. Naniniwala umano siya na malaki ang maitutulong ng kanilang suhestyon upang  higit pang mapabuti ang serbisyo sa mamamayan sa oras ng kalamidad.

Ilan pa sa mga tatalakayin sa workshop ay ang tamang proseso ng paggamit ng Calamity Fund at Quick Response Fund, risk assessment and identification sa mga barangay, ganun din ang pag-identify ng mga programa upang mabawasan o maiwasan ang sakuna sa panahon ng kalamidad.

Tatagal ang workshop hanggang August 24, 2018.

Click the following for more photos:

_____________________________

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.