80 kilo tulingan, kumpiskado ng BFAR-FPLEG sa Calintaan

Aabot sa 80 kilo ng tulingan ang kinumpiska ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources – Fisheries Protection and Law Enforcement Group (BFAR-FPLEG) MIMAROPA mula sa tatlong (3) commercial fishing vessel dahil sa paggamit ng halogen light sa pangingisda at iba pang violations sa bayan ng Calintaan, Occidental Mindoro.

INSIDE STORIES:

Ayon sa report ng BFAR – FPLEG, February 23, ang mga nahuling fishing vessels ay ang mga sumusunod:

  • FBca AERON CARL AIG, bagnet (14.7 tonnage, with with GPS coordinates 12.64722° N, 120.8703° E
  • FBca SHAIRIZE, bagnet (3.94 Gross tonnage, with GPS coordinates 12.68278° N, 120.8447° E)
  • FBca ALEXZANDER, bagnet (6.00 Gross tonnage, with GPS coordinates 12.65639° N, 120.8675° E)

Paliwanag pa ng ahensya, nakitaan pa ng iba pang paglabag sa batas ang mga nabanggit na fishing vessels tulad mga probisyon ng Republic Act 8550 as amended by Republic Act 10654, ganun din ng Fisheries Administrative Order.

BFAR FPLEG

BFAR FPLEG

Kasama sa mga nalabag ay ang mga sumusunod:

Dahil dito, kinumpiska ang halos 80 kilo na kanilang huling tulingan. Ibinigay naman sa charitable institution ang mga ito.

Sa kanilang Facebook page post, walang impormasyon kung taga saan o kung saan nagmula ang mga nahuling bangka.

BFAR FPLEG

BFAR FPLEG

Source: BFAR FPLEG MIMAROPA

Fisheries Administrative Order No. 262 Regulation On The Use Of Super Light And Fishing Light Attractors In Commercial Fishing
BFAR FPLEG
BFAR FPLEG
BFAR FPLEG
BFAR FPLEG

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.