78 households, under quarantine sa Mamburao

Sa pinakahuling datus na ibinigay ni Municipal Health Officer Dr. Paul Mark Rasing sa Municipal IATF meeting, March 13, nasa pitumpu’t walo (78) ang bilang ng households sa Mamburao ang under quarantine.

Base umano ito sa dami ng natukoy na primary close contacts ng apat (4) na nag-positibong kaso ng Covid-19 noong Martes, March 9.

IHAWAN SA BALAI NI EPHINE
Looking for Filipino cuisines? Visit Ihawan Sa Balai Ni Ephine Restaurant in Mamburao, Occidental Mindoro.

INSIDE STORIES

Nasa Brgy. Payompon ang pinakamaraming bilang sa apatnapu’t apat (44) na households.

Ang iba pang barangay mayroon nito ang ay mga sumusunod:

  • Brgy. 1 – 4 households
  • Brgy. 2 – 3 households
  • Brgy. 3 – 1 household
  • Brgy. 4 – 4 households
  • Brgy. 5 – 6 households
  • Brgy. 7 – 2 households
  • Brgy. 8 – 1 household
  • Brgy. Tayamaan – 10 households
  • Brgy. Balansay – 2 households
  • Brgy. San Luis – 1 household

Walang households under quarantine sa mga barangay ng Fatima, Talabaan, Tangkalan, at Brgy. 6.

Ayon kay Mayor Lyn Tria, ito ang pangunahing dahilan kung bakit kailangang gawin ang ibayong paghihigpit sa mga barangay. At kung sakali na walang household under quarantine sa isang barangay, mas dapat pa rin silang magbantay para maiwasan na magkaroon sila nito.

At sa mga mayroon nito, dapat makipag-coordinate ang barangay officials para maalalayan sila sa kanilang pangangailangan.

Inatasan na rin ni Mayor Lyn Tria ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa pangunguna ni Zyron Criste na maghanda na ng food packs na ipamamahagi sa mga households under quarantine.

Paliwanag pa ni Dr. Rasing, household na ang isinailalim sa quarantine dahil malaki ang posibilidad na mayroong palagiang interaksyon ang natukoy na close contacts sa miyembro ng kanilang pamilya.

Regular naman aniya silang bibisitahin ng Barangay Health Workers (BHW) para sa monitoring ng kanilang  kalusugan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.