4 Punong Barangay sa MIMAROPA, suspendido

Mula sa kabuuang 89 na nasuspending Punong Barangay sa buong Pilipinas, 4 dito ay mula sa Region IV-B o MIMAROPA.

FROM THE INSIDE:

ALCAIDE'S GRILLED BURGER AND MORE
Hungy? Visit Alcaide’s Grilled Burger and More at Mamburao, Occidental Mindoro

Ito ay kinabibinalangan nina Punong Barangay Aaron Lubina Villareal ng Brgy, Villa Cervesa, Victorial, Oriental Mindoro; Punong Barangay Lodilito D. Bandioal Jr. ng Brgy. Salvacion, Rizal, Occidental Mindoro; Punong Barangay Imee Malabayas Lara ng Brgy. Tumapon, Boac, Marinduquel; at Punong Barangay Leonardo M. Narzoles ng Brgy. Tabi, Boac, Marinduque.

Sila ay sasailalim sa anim na buwang suspension kaugnay ng reklamo na isinampa ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa Office of the Ombudsman dahil sa maanomalyang umanong implementasyon ng 1st Tranche ng Social Amelioration Program.

PUNONG BARANGAY SUSPENDED ON SOCIAL AMELIORATION PROGRAM ANOMALY

Sa Order na inilabas noong September 2, 2020, sinabi ng Ombudsman na matibay ang ebidensya laban sa mga Punong Barangay kung saan sinampahan sila ng kasong Serious Dishonesty, Grave Misconduct at Abuse of Authority.

Dagdag pa ng Ombudsman, ang kanilang suspension ay ipapatupad habang dinidinig ang kaso base sa Republic Act No. 6770 o ang Ombudsman Act of 1989.

Samantala, ipinag-utos na ni DILG Secretary Eduardo Ano sa mga Municipal at City Mayors na agad na ipatupad ang mass suspension sa oras na matanggap ang Order mula sa Office of the Ombudsman. Babantayan naman ito ng mga DILG Regional at Field Officers upang masiguro na maipatutupad ang suspension.

AROUND THE WEB:

Ayon naman kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, ang nasabing suspensyo ay ang kauna-unahang mass suspension sa kasaysayan ng bansa at isa lamang sa aksyong ginagawa ng ahensay upang maparusahan ang mga corrupt officials kaugnay ng implementation ng Social Amelioration Program.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.