21 Covid-19 cases, naitala sa San Jose

Dalawampu at isang (21) kumpirmadong kaso ng Covid-19 ang naitala sa bayan ng San Jose, Occidental Mindoro, April 1.

Lahat ay kinunan ng swab specimen noong March 25, 2021 at natanggap ang resulta sa pagitan ng March 31 at April 1, 2021.

Sa pinakahuling update ng LGU San Jose, April 1, sa kabuuan ay mayroong dalawanpu at tatlong (23) aktibong Covid-19 cases ang munisipalidad. Isa dito ay natukoy na South African variant.

Pinakamataas simula September 2020

Ayon sa inilabas na Executive Order No. 093, dalawanpu at isa (21) ang nagpositibo sa Covid-19 mula sa animnapu at apat (64) na isinailalim sa Swab Testing ng Municipal Task Force Covid-19 Swabbing Team noong March 25, 2021.

Ito na rin umano ang pinakamataas na bilang ng nagpositibo sa Covid-19 simula noong September 2020.

Restaurants restrictions

Base pa rin sa Executive Order No. 095 S2021, ipinaguutos ang pansamantalang pagsasara ng lahat beaches at resorts sa loob ng nasasakupan ng bayan ng San Jose mula April 1 hanggang April 4, 2021.

Ganun din ay isasara ang Aroma Beach sa publiko sa loob ng labing-apat (14) na araw mula April 1 hanggang April 14, 2021.

Hindi rin muna papayagan ang dine-in at tanging take-out orders lamang ang papayagan para sa mga restaurants na nasa kahabaan ng Aroma Beach.

Samantala, limitado lamang sa 50% capacity ang mga restaurants na nasa kabayanan.

Ordinance No. 907

Binigyang diin din ng Executive Order No. 95 S2021 ang mahigpit na pagpapatupad ng Section 18 ng Municipal Ordinance No. 907.

Nakapaloob dito ang multa sa hindi pagsunod sa ipinatutupad na health protocols.

A. FOR NOT WEARING FACE MASK

  • 1st Offense. A fine of Php 1,000.00 or imprisonment of fifteen (15) days, or both at the discretion of the court
  • 2nd Offense. A fine of Php 1,500.00 or imprisonment of thirty (30) days, or both at the discretion of the court
  • For 3rd and subsequent offenses. The offender shall be meted our with a fine of Php 2,500.00 or imprisonment for a period of three (3) months, or both at the discretion of the court.

B. FOR NOT PRACTICING PHYSICAL DISTANCING

  • 1st Offense. A fine of Php 500.00
  • 2nd Offense. A fine of Php 1,000.00 or imprisonment of fifteen (15) days, or both at the discretion of the court
  • For 3rd and subsequent offenses, the offender shall be meted out with a fine of Php 2,500.00 or imprisonment for a period of two (2) month, or both at the discretion of the court

C. FOR ACTS IN VIOLATION OF ORDINANCE 907

  • 1st Offense. A fine of Php 500.00
  • 2nd Offense. A fine of Php 1,000.00 or imprisonment of fifteen (15) days, or both at the discretion of the court
  • For 3rd and subsequent offenses, the offender shall be meted out with a fine of Php 2,500.00 or imprisonment for a period of two (2) months, or both at the discretion of the court.

Curfew hours

Mahigpit din ipatutupad ang curfew hours mula 9:00pm hanggang 5:00pm.

Ang mga establishyamento ay hindi na maaaring mag-operate lampas ng 9:00pm. Ganun din ay hindi maaring lumabas ng kanilang tahanan ang mga residente sa loob ng curfew hours maliban sa mga nabibilang sa ‘formal or informal labor force’, ‘frontliners’, ‘medical health workers’, at mga may balidong rason tulad ng ‘medical health emergency’.

__________

SAN JOSE
SAN JOSE
SAN JOSE
SAN JOSE
SAN JOSE
SAN JOSE

Source: LGU San Jose

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.