21 close contacts ni PDL sa Lubang, negative sa Covid-19

Negative sa Covid-19 ang dalawanpu’t isang (21) close contacts ni Person Deprived of Liberty (PDL) sa Lubang.

Ito ang nilalaman ng opisyal na pahayag ng Pamahalaang Bayan ng Lubang kaugnay ng kanilang kauna-unahang positibong kaso ng Covid-19 sa munisipalidad, August 29.

CLOSE CONTACTS
Opisyal na pahayag ng Pamahalaang Bayan ng Lubang. August 29. 2020

FROM THE INSIDE:

Ayon kina Municipal Health Officer/Facility Manager Dra. Teresa A. Pagilagan at Rural Health Physician/Facility Physician Dr. Daniel C. Panaglima, hindi umano na-detect ang “causative agent of Covid-19” sa mga natukoy na close contacts.

All test results stated that SARS-COV-2 (causative agent of Covid-19) viral RNA was not detected.

Lubang Municipal Health Office

Dagdag pa nina Dra. Pagilagan at Dr. Panaglima, ang mga close contacts ay mananatili sa quarantine facility para sa kanilang 14-day quarantine ayon sa Department Circular 2020-0252 ng Department of Health.

However, in accordance to Department Circular 2020-0252 of the Department of Health dated August 12, 2020, “Clarification of Department Memorandum 2020-0189, entitled Updated Guidelines on Contact Tracing of Close Contacts of Confirmed Covid-19 Cases”, to further reduce the risk of transmission in households and communities, all close contacts shall be placed under facility-based quarantine and must finish the 14-day period regardless of PCR test results.

Ang mga secondary contacts ay pinapayuhan din na ipagpatuloy ang self-monitoring at limitahan ang paglabas ng bahay maliban sa pagbili ng “essential goods and services”.

CLOSE CONTACTS LUBANG PDL
Isinagawa ng Lubang Municipal Health Office ang swab testing sa mga natukoy na close contacts ni PDL sa Lubang, August 25. Photo by Ang Pamahalaang Bayan Ng Lubang.

Isinagawa ang swab testing sa mga close contacts ni PDL noong August 25. Ang mga nakolektang specimen ay ipinadala sa Research Institute for Tropical Medical (RITM) upang masuri kung positibo ang mga kinunan.

Natanggap naman nila ang resulta tanghali ng August 29.

PDL, Ibiniyahe Sa Mamburao

Matatandaan na sumailalim si PDL sa swab testing noong August 17 habang nasa kustodiya pa ng Lubang PNP. Ganun pa man, bagama’t hindi pa natatanggap ang resulta, ibiniyahe siya at dumating sa Mamburao MPS gabi ng August 18 kung saan nakasalamuha niy ang ilang kawani nito.

CLOSE CONTACTS PDL LUBANG NEGATIVE COVID-19
August 21, 2020. Kinumpirma ng Lubang Municipal Health Office na nag-positibo sa Covid-19 si PDL na kinunan ng swab specimen noong August 17 bago pa ibiyahe sa Mamburao.

Ayon sa Mamburao MPS, matapos ang almusal kasama ang kanilang Chief of Police na si PCAPT Relly Delas Alas, dinala na sa Family Court si PDL.

Lumabas din ang mga balita na kaumain din sina PDL a kawani ng Lubang PNP sa isang kantina sa Kapitolyo ng Occidental Mindor bago pa dalhin sa Provincial Jail.

Kinagabihan ay isinama sa head count sa loob ng Provincial Jail si PDL kung saan nakasalamuha niya ang iba pang PDLs at Jail Guards.

IHAWAN SA BALAI NI EPHINE
Looking for Filipino cuisines? Visit Ihawan Sa Balai Ni Ephine Restaurant in Mamburao, Occidental Mindoro.

August 21, Biyernes ay lumabas ang resulta ng swab testing ni PDL na nagsasabi na positibo siya sa Covid-19.

Sa isinagawang contact tracing, umabot sa isang daan at apatnapu’t isa (141) ang naging close contacts ni PDL sa Mamburao. Partikular na natukoy ang mga kawani sa Mamburao MPS, Family Court, at Provincial Jail na mayroong 129 close contacts.

Nagsagawa na ng swab testing sa unang batch, kabilang na ang 21 Jail Guards na nag-negatibo naman sa Covid-19.

Nagbigay din ng opisyal na pahayag si Mamburao Mayor Lyn Tria kaugnay nito.

Mamburao Covid19 Status As Of August 28, 2020

Mamburao Covid-19 Status As Of August 28, 2020

Posted by Hataw Mamburao on Friday, August 28, 2020

Kanina, araw ng Sabado August 29, naka-schedule na ipinagpatuloy ng Mamburao Municipal Health Office ang swab testing sa mga natukoy close contacts na PDLs sa loob ng Provincial Jail.

Wala pang karagdagang impormasyon mula sa Mamburao Municipal Health Office kung natuloy ito habang sinusulat ang balitang ito.

CLOSE CONTACTS
Source: PGO Occidental Mindoro.

Si PDL ang kinilalang Patient No. 55 sa Lalawigan ng Occidental Mindoro.

IN THE NEWS:

__________

Photos/info from Ang Pamahalaang Bayan Ng Lubang Facebook page.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.