2021 Face-to-face class order, binawi ni Pres. Duterte

Binawi na ni Pres. Rodrigo Duterte ang naunang utos na magsagawa ng pilot implementation ng face-to-face class sa January 2021 matapos na madiskubre sa United Kingdon ang panibago at mas mapanganib na strain ng Covid-19.

Sa public briefing kasama ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), sinabi niya na hindi maaring ilagay sa peligro ang buhay ng mga estudyante dahil wala pang sapat na kaalaman ang gobyerno tungkol sa bagong straing ng Covid-19, Sabado.

“I have allowed the face-to-face classes as pilot projects all over the country. I’m calling back the order and I will not allow face-to-face classes of children until we are through with this. We have to, I said, we have to know the nature of the germ that we are confronting. Wala pa tayong alam (We know nothing yet). I cannot take the risk of allowing the children.”

FROM THE INSIDE

Nauna nang inaprubahan ni Pres. Duterte ang pagsasagawa ng pilot face-to-face class sa January 11 – 23, 2021 sa mga rehiyon na kinokonsiderang ‘low-risk areas’ noong December 14.

Sa pahayag naman ni Dr. Tony Leachon sa isang panayam sa Teleradyo, , mas contagious at highly transmissible ang panibagong strain ng Covid-19. Ito rin ang dahilan kung bakit nagpatupad na ng travel ban ang maraming bansa.

“Iyan ay variant B117. Bago siyang strain na 52% ang admittance sa UK. At highly transmissible, 50-70%, so ibig sabihin more contagious. Nagcause ng travel ban sa Europe, Canada, sa HK, sa atin dito.”

“Kakaiba ang profile ng mga pasyente nito. Less than 60, asymptomatic, sila yung gala ng gala. So mas madaling makahawa ngayon. Mas maraming mahahawa, that will lead to more hospitalizaton and admission and therefore, madadali ngayon ang vulnerable segment and will actually cause more deaths.”

Si Dr. Leachon ay kilalang public health advocate at dating miyembro ng National Covid-19 Task Force.

Noong December 22 ay naglabas ang National IATF ng Resolution No. 90, Series of 2020 na nagpapatupad ng travel ban mula December 24 hanggang December 31, 2020 sa mga papasok ng Pilipinas mula United Kingdom.

face-to-face class
face-to-face class

New Strain Of Covid-19

Ayon sa Bloomberg, ang mutated coronavirus ay mabilis nang kumakalat sa United Kingdom. May posibilidad din na magiging mataas ang hospitalization at death rate sa susunod na taon.

Base din sa mga pag-aaral ay nasa 70% na transmissible ito kumpara sa ‘circulating strain’.

The mutated coronavirus strain that’s been spreading in the U.K. appears to be more contagious and will likely lead to higher levels of hospitalizations and deaths next year, a new study showed.

The variant is 56% more transmissible than other strains, according to the study by the Centre for Mathematical Modelling of Infectious Diseases at the London School of Hygiene and Tropical Medicine. There’s no clear evidence that it results in more or less severe disease.

The U.K. government had previously said the mutated variant appears to be as much as 70% more transmissible than other circulating strains. Additionally, it has almost two dozen mutations that may affect proteins made by the coronavirus, Patrick Vallance, the U.K.’s chief scientific adviser, said on Dec. 19.

B117 Strain Sa Singapore, Japan, at Denmark

Sa report ng Inquirer.Net, nagtala ang Singapore ng unang kaso ng bagong strain ng Covid-19 ayon sa deklarasyon ng Ministry of Health.

Ang pasyente ay isang 17-year old Singaporean na nag-aral sa United Kingdom.

Sa pagitan ng November 17 hanggang December 17 ay nasa 31 ang naitalang imported cases ng Covid-19 sa Singapore na lahat ay umuwi galing ng United Kingdom.

Patuloy pa ang pag-aaral kung infected sila ng sinasabing ‘B117 strain’.

Samantala, ayon sa Japan Times, kinumpirma kahapon ni Health Minister Norihisa Tamura, December 25, na limang kaso ng mutated Covid-19 ang naitala sa Japan na pawang mga nagmula din sa United Kingdom.

Dumating sila sa Japan nitong Disyembre – dalawa sa Tokyo Haneda Airport at tatlo sa Kansai International Airport sa Osaka.

Sa parehong araw ay nagtala din ang Japan ng panibagong 3,748 Covid-19 cases. Ito na ang pangatlong araw na diretsong nagtala sila ng higit sa 3,000 kaso.

Nauna nang nagpatupad ang Japan noong December 24 ng business travel ban. Ganun pa man, pinapayagan pa rin nilang makapasok ang mga foreign residents at Japanese nationals.

Sa Denmark, 33 ang nakitaan ng strain ng mutated virus base sa isinagawang test sa 7,805 Covi-19 positive tests mula November 14 hanggang December 14, 2020.

Ayon ito sa State Serum Institute (SSI), ang infectious disease authority ng bansang Denmark na ini-report ng https://www.abc.net.au/.

1,114 Schools Para Sa Face-To-Face Class Dry Run

Sa opisyal na pahayag ni Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones noong December 16, sinabi niya na nasa 1,114 na paaralan ang tinitingnan para sa implementasyon ng face-to-face class.

Base umano ito sa rekomendasyon ng DepEd Regional units. Nakatakda din sana na i-finalized na ang mga paaralan para dito sa darating na December 28 base na rin sa desisyon ng local government units, ganun din ang facilities at health protocols ng mga target na paaralan.

Nagpahayag naman ang Metro Manila, Davao, at Cotabato na huwag silang isama sa gagawing pilot areas.

Ayon pa kay Sec. Briones sa televised ‘Laging Handa Public Briefing, mas mababa ang banta ng Covid-19 infection kapag ang mga bata ay nasa paaralan kaysa sa bahay.

“Sinasabi na lahat ng pag-aaral nagpapakita na ang pinaka-lowest threat ay sa schools. Ang malaking posibilidad ay sa homes kasi that is where they spend most of their time and other places,”

Pahayag naman ni Presidential Spox Harry Roque na hindi magiging compulsory ang implementation nito. Kailangan aniya na boluntaryo ito sa bahagi ng mga magulang at mag-aaral.

“We need to emphasize that face-to-face classes in schools where this may be allowed will not be compulsory, but rather voluntary on the part of the learner / parents. Having said this, a parent’s permit needs to be submitted for the student to participate in face-to-face classes.”

Pahayag Sa SONA

Sa kanyang State of the Nation Address (SONA), sinabi ni Pres. Duterte na hindi rin niya papayagan ang face-to-face class hanggat wala pang vaccine.

“Until the Covid-19 vaccine is available, I will not allow the traditional face-to-face teaching or learning unless the risks of exposure to the sickness are eliminated. I cannot and will not put to risk the health and lives of our students and teachers,” Duterte said during his 5th state-of-the-nation-address.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.