129 close contacts sa Provincial Jail ni Patient No.55, sasailalim sa Swab Testing

Sa pangunguna ni Dr. Paul Mark Rasing, sinimulan na ng Mamburao Municipal Health Office ang pag-proseso ng mga documentary requirements para sa Swab Testing ng mga Persons Deprived of Liberty (PDL) at Jail Guards ng Mamburao Provincial Jail na naging close contacts ni Patient No. 55 kahapon, August 26.

Sa August 29, araw ng Sabado, pa misasagawa ang actual na swab testing dahil kailangan muna nilang makuha ang ilang personal information mula sa mga PDL at Jail Guards.

alcaide grilled burger
Thirsty? Visit ALCAIDE’S GRILLED BURGER AND MORE!

FROM THE INSIDE:

Nakiusap na rin si Dr. Rasing sa pamunuan ng Occidental Mindoro Provincial Health Office na kung maaari ay mauna nang sumailalalim sa Swab Testing ang mga kawani ng Mamburao Municipal Police Station at Family Court upang maiwasan ang pagkaantala ng kanilang serbisyo publiko.

Ayon pa kay Dr. Rasing, August 22 o Sabado ng umaga nila natanggap ang balita na mayroong PDL na nagpositibo sa Covid-19 ang nasa Probincial Jail.

PROVINCIAL JAIL CLOSE CONTACTS SWAB TESTING

Bandang tanghali ay nagtungo na ang kanilang Contact Tracing Team dito kung saan natukoy ang 129 close contacts na kinabibilangan ng iba pang PDL at Jail Guards.

Kinumpirma din niya na sa kasalukuyan ay naka-lockdown ang Provincial Jail.

BM Philip Ramirez has granted the Caminawit Port stevedore’s request of 120 rain coats. August 26, 2020.

Dagdag pa niya, nauna nang sinabi sa kanya ni Provincial Jail Warden Randy Ignacio na bago pa man magkaroon ng positive case sa pasilidad ay matagal nang ipinagbawal ang pagdalaw ng kamag-anak ng mga PDL dahil na rin sa banta ng Covid-19.

Si Patient No. 55 ng Occidental Mindoro ay ang PDL mula sa bayan ng Lubang na ibiniyahe at dumating sa Mamburao Municipal Police Station noong gabi ng August 18.

PROVINCIAL JAIL CLOSE CONTACTS SWAB TESTING
Contact Tracing Team of Mamburao Municipal Health Office at Provincial Jail. August 26, 2020.

Kinabukasan ay dinala si PDL sa Family Court bago pa dalhin sa Provincial Jail kung saan siya kasalukuyang naka-isolate sa isang kubol hiwalay sa iba pang PDL.

Lumabas ang balita na positibo sya sa Covid-19 noong August 21.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.