1 mangingisda, nasagip matapos tumaob ang bangka

Isang mangingisda mula sa bayan ng Santa Cruz, Occidental Mindoro ang nasagip matapos na tumaob sa dagat ang sinaskayang bangka halos isang (1) kilometro ang layo mula sa pampang ng Brgy. Barahan, June 22.

Kinilala ang biktima na si Rey B. Zabanal, 51-anyos at may sampung (10) taon nang naninirahan sa Brgy. Barahan, Santa Cruz, Occidental Mindoro.

INSIDE STORIES:

alcaide grilled burger
Thirsty? Visit ALCAIDE’S GRILLED BURGER AND MORE!

Ayon sa report ng PITO Santa Cruz, bandang alas-onse ng umaga (11:00am) ng June 21 nang lumaot si Zabanal kung saan kalma naman umano ang dagat.

Matapos ang magdamag na pangingisda, bumalik na sya sa Brgy. Barahan. Subalit hindi agad makalapit sa pampang dahil sa malalakas na alon.

MANGINGISDA SANTA CRUZ
Ang mangingisda na nasagip na si Rey Zabanal, 55-anyos at residente ng Brgy. Barahan, Santa Cruz, Occidental Mindoro.

Ayon pa sa report, halos dalawang (2) oras na siyang ‘nakatambay’ at naghihintay ng paghupa ng alon ng dagat. Subalit namatay na ang makina ng kanyang bangka.

Sa puntong ito siya nag-desisyon na lumangoy na lamang papunta ng tabing dagat. Subalit namintig ang kanyang paa. Nakita naman siya ng isa pang residente ng barangay na si Rogelio Rodulfo na lumangoy na rin upang salubungin at tulungan si Zabanal.

Sa tulong iba pang residente at mga opisyales ng Brgy. Barahan, kasama ang LDRRMO, BFP, at PNP ay matagumpay na na-rescue si Zabanal bandang 5:37pm.

_____

Source: PITO Santa Cruz

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.